20/10/2025
Disclaimer: The following post ay pawang opinion ko lamang po bilang indibidwal at hindi kumakatawan sa kabuuan ng Team Giro Racing.
Throwback muna tayo.. alala nyo ung special event nung nakalipas na taon ng NGO? Dalawang sikat na team naglaban special event din tulad nito. Yung p**a ang nanalo sa race proper pero nung nagkabukasan, na declare si blue na panalo. May konting drama pero nagbayad si p**a at tinanggap ang pagkatalo.
Unspoken rule sa mundo ng motorcycle drag racing na pag natalo sa bukasan after ng race, matik talo agad yung team na nakitaan ng paglabag sa naka set na rules na sinusunod (NGO rules) Unless may ibang usapan o napagkasunduan.
Scrut team na ang nagdecide na may mali.. (Salamat boss Turbo) May nalabag sila sa rules. (Nasa comment section king curious kayo anong rule yung nalabag) So technically, declared panalo ang Giro Racing. Ngunit dahil may usapang pera, dun nagkaproblema. Ayaw nila tanggapin na talo sila. Gusto ng kalaban re-match na lang daw agad agad.. Paano? Eh kitang kita sa video nagka delay delay na yung second run dahil grabe na tagas nung makina.. Payag naman kami sa gusto nyong rematch (kung tutuusin rebanse na dapat) pero di kakayanin same day or next day na ayusin ulit ung CPC namin dahil may mga motor pa kaming ilalaban. At dahil ayaw nila tanggapin na talo sila, at dahil mabait yung boss namin at ayaw na rin nya ng mahabang usapan o gulo, sige quits na lang natin ung sa pera for the sake of the event at respeto na rin sa mga organizers.
Grabe ano? Sa video dikit yung laban. Partida pa, grabe na yung tagas ng makina namin. Tapos what if hindi lumabag sa rules yung kabilang team? Hmmm.. Sa mata ng mga ordinaryong miron maniniwala sila na panalo yung kabila dahil hndi naman naka broadcast yung sa bukasan. Pero sa mundo ng mga tunay na enthusiasts, pros at lahat ng mga kabilang sa ginagalawan nating mundo ng drag racing.. Kayo na humusga.
Overall maayos naman yung ending, saludo sa buong crew ng Giro Racing lalo na kay boss Kons sa pagiging mahinahon at pag-gabay samin at pag desisyon na magiging pabor sa lahat.
P.S. Hindi ito rant.. naniniwala kasi ako na deserve ng mga fans, supporters at mga naniwala at nagtiwala sa team Giro Racing, deserve nila ng explanation bat talo sa race proper, panalo sa bukasan pero balik taya lamang.
Uulitin ko.. sarili ko pong opinion lamang na nakabase sa naging resulta ang mga nakasaad sa itaas. Maraming salamat po. Happy racing!
Sabi nga ng mga tropa.. All is well!