06/04/2024
😂😂😂
"1,500 is 1,500. Bakit hindi nila nage-gets?" 😱😱😱
Admin, pinalaki ako ng magulang ko na lahat kailangan paghirapan bago makuha. Nakakagulat lang kase bakit ganun sa comment section? Porke ba malaki sahod ng husband ko eh dapat malaki din ibibigay sa magulang niya? Ganon ba ang ibig sabihin ng mga followers niyo? Lahat maam/sir, pinaghihirapan. Swerte nga nila kase everytime na pumupunta sila dito sa bahay ay meron silang nadadala lagi pauwi. Ultimo sandal ko bet din ng mother kukunin at hihingiin pa like what? Lahat nalang ba? Kung tutuusin nga abusado din ang ibang magulang eh.
Here's the reason, alam mo may trust issue din ako sa husband ko. Feel ko aside sa 1,500 ay patago din siyang nagpapadala pa ng extra money sa mga magulang niya. I've been reading comments at puro nega ang mindset ng followers niyo. Sorry po, but that doesn't mean na ganyan kayo as a page. I have respect sa admin ng page na to. I mean, 1,500 is 1,500. Bakit hindi nila nage-gets?
Yung iba nga diyan wala, as in wala. Pero wala namang problema sa kanila.
Kahit bill nila kami pa nagbabayad.
(Nagtanong ang MP admin magkano bill na binabayaran nya sa bahay ng parents ng husband niya, ito ang sagot)
600-800 pesos. Buti nga at sinabihan ko wag na gumamit ng washing machine para makatipid sila, maglaba sila araw araw. Pagkahubad laba agad gaya ng ginagawa ko dito sa bahay. Ewan ko lang kung sinusunod nila kase hindi man bumababa sa 600 pesos kada buwan. Like hindi sila nagco-cooperate sa suggestions ko para makatipid.
Sorry maam/sir ha, not sure sir or maam hehe, basta admin, my principle is firm and strong na always be greatful. Hindi ako gastador na asawa, lahat ng kinikita ng husband ko andyan lang yan naka save sa bangko. Kaya sana maunawaan yan ng magulang niya.
Take note, kahapon dito sila sa bahay, pinagluto ko pa, binilhan ng masarap na desert, kung hindi sila pumunta dito hindi ako napagastos, sorry call me kuripot pero ganito ako pagdating sa pera. Save save save!
By June uuwi na husband ko, sigurado tatanungin na naman ako saan ko ginagastos ang pera bakit yan nalang natitira, malamang sa magulang niya. Hindi naman ako madamot, lahat ng kaya kong ibigay binibigay ko as respect sa magulang niya. Pero huwag sana silang mag demand ng malaki kase hindi kamii bilyonaryo.
I love my husband so much, kaya siguro ganun nalang din ang pagpapahalaga ko sa pera na lumalabas sa bahay.
Sa followers niyo po, it's not hard to save. Kailangan talaga minsan may ngipin ka and authority to save money. Napaka stressful lang ng comments, like gusto ko replyan isa isa but its not my folt kung hindi sila nakakapag save kaya siguro ganyan sika maka comment. Lahat po pinaghihirapan.
Salamat maam/sir.
(Nagchat ulit ang MP, sabi namin)
MP: Maam sorry po ha, pero ang mga taong nagsasabing pls hide my identity ay hindi po talaga nangangailangan ng advice kundi nangangailangan ng kakampi para kampihan ang mali nila at katangahan sa buhay.
1,500 Girl: So ur telling me mali ako maam/sir?
MP: No maam, tama po kayo at mali po siguro ang 99% of our followers na sumasalungat sa mentality niyo po.
1,500 Girl: (You can't reply to this conversation. Learn more)