Dheng Lookout official

Dheng Lookout official inspiring,motivating, encouragement

16/02/2026

Devotion today

"Nakahanda ang p**t ng Diyos sa mga taong walang Jesu-Cristo "

Pahayag 6:15-17 RTPV05
[15] Nagtago sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya. [16] At sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Tabunan ninyo kami para makubli kami sa mukha ng nakaupo sa trono, at makaiwas sa p**t ng Kordero! [17] Sapagkat dumating na ang malagim na araw ng pagbubuhos nila ng kanilang p**t, at sino ang makakatagal?”

✏️Ang mga pangitain na nakita ni apostol Juan 2000 years ago na ang nakakalipas ay
Kung ano ang magaganap sa huling araw ng mga tao sa mundo na hindi naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng hindi pagkilala at pagtanggap kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

📍People who do not have Jesus Christ in the last days are full of fear and hide.

📍People without Jesus Christ in the last days are afraid to see Him

📍People without Jesus Christ will face the wrath of God in the last days.

14/02/2026

Devotion today

"Kanino mo pinagkakatiwala ang sarili mo sa Diyos o sa diyus-diyosan"?

1 Samuel 7:3 RTPV05
[3] Sinabi sa kanila ni Samuel, “Kung talagang buong pusong nanunumbalik na kayo kay Yahweh, alisin ninyong lahat ang mga diyus-diyosan at ang imahen ni Astarte. Italaga ninyo kay Yahweh ang inyong sarili at siya lamang ang inyong paglingkuran. Kapag ginawa ninyo ito, ililigtas niya kayo sa kapangyarihan ng mga Filisteo.”

✏️Ang diyus-diyosan ay hindi lamang patungkol sa imahe ito nakikita din sa ibang bagay kung saan nauubos ang oras,araw at pahanon ito ay isang diyus-diyosan din dahil nailalayo na ang sarili sa Diyos kaya ang tunay na nagbalik-loob sa Diyos nakikita sa gawa.

📍Remove from your life things that distance you from God.

📍Dedicate oneself to God alone

📍We should serve only God and not idols.

11/02/2026

Devotion today

"Magpapakabuti o Magiging Mapangahas"?

1 Samuel 6:19 RTPV05
[19] May pitumpung taga-Beth-semes na nangahas na sumilip sa Kaban ng Tipan, kaya't sila'y pinatay ni Yahweh. Nagluksa ang mga taga-Beth-semes nang makita nila ang malagim na kamatayan ng kanilang mga kababayan.

Ang pangyayaring ito ay nagpapaalala at nagbabala sa atin na huwag natin lalapastanganin ang kabanalan ng ating Diyos kilalanin natin ang pagiging Creator Niya alam Niya ang ginagawa natin at sa isang iglap kaya Niyang Kunin agad ang buhay natin dahil Siya ang nagmamay-ari nito.

📍Don't dare to blaspheme God's Holiness.

📍To dare to defy God's Holiness is to be destroyed.

📍Let's us honor and respect God.

10/02/2026

Devotion today

"Sigurado ka na ba sa Destinasyon mo"?

Pahayag 4:1-2 RTPV05
[1] Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukás na pinto. At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, “Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito.” [2] At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon.

✏️Ang langit ay kaharian ng Diyos at ito ang nais Niyang balikan natin pagtapos natin dito sa mundo sa paraan,para makabalik tayo pagsisihan natin ating mga kasalanan at sumasampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas

📍Heaven is real and our truly destination

📍The things in heaven are real and eternal

📍The Throne seated as King is Jesus Christ

05/02/2026

Devotion today

"Tatanggapin mo ba ang panawagan ni Jesu-Cristo"?

Pahayag 3:19-20 RTPV05
[19] Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan. [20] Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.

✏️Ang pag pagsaway ng Diyos sa atin ay tanda ng pagmamahal Niya upang hindi tayo mapahamak kaya may paanyaya lagi si Jesu-Cristo sa atin.

📍Jesus Christ's call to repent and turn away from sin

📍Jesus Christ's call for us to listen to Him and open our hearts to Him.

📍Jesus Christ will come into your life and you will eat together.

30/01/2026

Devotion today

"Mahal ka ni Jesu-Cristo, ikaw mahal mo rin ba Siya"?

Pahayag 1:5 RTPV05
[5] at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan.

✏️Tanging si Jesu-Cristo lamang ang makakapagpalaya sa atin mula sa kasalanan hindi pa huli ang lahat 0ara magsisi sa ating mga kasalanan at tanggapin natin si Jesu-Cristo sa buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas at humingi tayo ng kapatawaran sa Kanya mga kasalanan nagawa natin.

📍Jesus Christ is the faithful witness and Son of God.

📍Jesus Christ is the resurrection and King of kings

📍Jesus Christ loves you and His blood is the price to set you free from sin.

27/01/2026
27/01/2026

Devotion today

"Kailan ka huling nanalangin sa Diyos"

1 Samuel 1:9-10 RTPV05
[9] Minsan, matapos silang kumain sa Shilo, malungkot na pumunta si Ana at nanalangin sa bahay ni Yahweh. Nagkataong nakaupo sa may pintuan ng bahay ni Yahweh ang paring si Eli. [10] Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.

✏️Sa panalangin natin dalhin ang mga suliranin at alalahanin natin sa buhay ang Diyos laging handang dinging ang ating mga pinapanalangin tulad ni Ana sa pananalangin sa Diyos dinadala ang suliranin at alalahanin niya.

📍Prayer it is not a optional, but it is a lifestyle

📍Prayer is faith and trust in God.

📍Prayer is communication with God.

23/01/2026

Devotion today

"Sino ang laman ng puso mo?"

Ruth 4:13-17 RTPV05
[13] Napangasawa nga ni Boaz si Ruth at iniuwi sa kanyang tahanan. Pinagpala ni Yahweh si Ruth kaya't ito'y nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki. [14] Sinabi ng kababaihan kay Naomi, “Purihin si Yahweh! Binigyan ka niya sa araw na ito ng isang apo na kakalinga sa iyo. Maging tanyag nawa sa Israel ang bata! [15] Maghatid nawa siya ng kaaliwan sa puso mo at mag-alaga sa iyong pagtanda. Ang mapagmahal mong manugang, na nagsilang sa bata, ay higit kaysa pitong anak na lalaki.” [16] Kinuha ni Naomi ang bata, magiliw na kinalong, at inalagaang mabuti. [17] Siya'y tinawag nilang Obed. Ipinamalita nilang nagkaapo ng lalaki si Naomi. Si Obed ang siyang ama ni Jesse na ama naman ni David.

✏️Sa buhay nila Naomi, Ruth at Boaz ang naging kaaliwan ng puso nila ay si obed na pagmumulan ng ating Panginoon Jesus dahil si obed ama ni Jesse na ama naman ni haring David na pinagmumulan ng angkan nila Joseph at Maria.

📍Obed is a sign of the fulfillment of the coming of the Savior.

📍The Savior will truly be the comfort of our hearts.

📍Jesus is our Savior, let us receive Him into our hearts.

19/01/2026

Devotion today

" Ang walang pananampalataya ay walang tagumpay "

1 Juan 5:4-5 RTPV05
[4] sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. [5] Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.

✏️Malinaw ang pangako ng salita ng Diyos ang nagtatagumpay sa lahat ng laban ay ang sumasampalataya lang kay Jesus na Anak ng Diyos dahil sa pananampalataya magtatagumpay ka!

📍The child of God is victorious.

📍Faith will lead you to Victory

📍He who believes in Jesus overcomes.

14/01/2026

Devotion today

"Magtiwala sa Panginoon kahit mahirap ang Sitwasyon "

Ruth 1:16 RTPV05
[16] Sumagot si Ruth, “Huwag po ninyong hilinging iwanan ko kayo. Hayaan na ninyo akong sumama sa inyo. Saanman kayo pumunta, doon ako pupunta. Kung saan kayo tumira, doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang magiging aking Diyos.

✏️Huwag na huwag tayong susuko sa pananalig at pagtitiwala sa Panginoon kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon na pinagdaanan dahil sa kahirapan may magandang gagawin ang Diyos

📍face life's challenges with trust in God

📍Stand Believing in God

📍Hold on to God's promise

Address

Lanuza Street
Manila
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dheng Lookout official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share