12/07/2026
โ๏ธ Bakit Kulay Asul ang Langit?
It's Trivia Time!๐
"Kung ang kalawakan ay kulay itim, bakit kapag tumingala tayo sa araw ay kulay asul ang langit? Ang sagot ay mas kamangha-mangha kaysa sa inaakala mo!"
Ang sikat ng Araw ay hindi lang puting liwanag. Binubuo ito ng iba't ibang kulayโp**a, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at lila.
Habang pumapasok ang liwanag ng Araw sa atmospera ng Earth, tumatama ito sa napakaliit na mga molekula ng hangin. Ang asul na liwanag ay mas madaling nagkakalat sa iba't ibang direksiyon kaysa sa ibang kulay dahil mas maikli ang wavelength nito.
Dahil dito, saan ka man tumingin sa langit sa araw, mas maraming asul na liwanag ang umaabot sa iyong mga mata. Kaya ang buong kalangitan ay nagmumukhang kulay asul.
At bakit naman nagiging p**a o kahel ang langit kapag paglubog ng araw? Dahil mas mahaba ang dinaraanan ng liwanag sa atmospera, kaya halos lahat ng asul na liwanag ay nakakalat na, at ang natitirang nakararating sa atin ay ang p**a at kahel.
Kaya ang kulay ng langit ay hindi talaga kulay ng kalawakanโito ay epekto ng pagkalat ng liwanag ng Araw sa atmospera ng ating planeta. ๐โ๏ธ๐