
30/04/2025
Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Cancer?
Nangyayari ang cancer bilang resulta ng pagbabago ng mga cell. Ang pagbabago na ito ay maaaring magsanhi ng hindi makontrol na pagkakatulad ng mga cells, paglago at paghahati-hati o magkaroon ng k**alian sa DNA sa paggaya nito.
Ang mga pagbabago sa cells ay isinasaalang-alang bilang mga patay na cell na hindi gumagalaw tulad ng mga normal na cell.
Kung hindi magagamot ang cancer, ang mga cell ay maaaring kumalat sa kabuuang bahagi ng katawan. Magdudulot ito ng pagtigil sa maayos na paggalaw ng mga organs na nagiging sanhi ng k**atayan.
Maaaring ang mga pagbabagong ito ay genetic o namamana, na nangangahulugan na ikaw ay nabuhay na mayroong ganito, o dulot ng mga labas na salik na nakaaapekto sa paglaki ng cell
Kinabibilangan nito ang mga bagay tulad ng paninigarilyo, exposure sa carcinogens o mga kemikal na nagdudulot ng cancer o kasamaan sa kalusugan.
Normal para sa mga cell ang magbago kung ito ay lumalaki at nahahati. Gayunpaman, ang mga pagbabagong ito ay naitatama bago tuluyang maging cancer cells. Ngunit kung ang mga pagbabagong ito ay hindi maitatama sa oras, dito mag-uumpisa ang cancer.
Umaabot ng taon bago magkaroon ng cancer sa katawan. May posibilidad din na ang cancer ay nasa mataas na yugto bago ito matuklasan, at sa ganitong pagkakataon, ang gamot sa cancer ay maaaring hindi na gaanong epektibo.
Ito ang dahilan kung bakit mainam na malaman ang mga panganib at ang pag-iwas sa mga panganib na ito ay makatutulong sa paggamot at pag-iwas sa cancer