27/09/2026
Happy National Seafarers Day! βπ΅π
Bilang isa sa mga marino, alam natin na hindi biro ang buhay sa dagat. Malayo tayo sa pamilya, ilang buwan nating tinitiis ang pangungulila, at araw-araw nating hinaharap ang panganib ng alon, bagyo, aksidente, piracy, at ngayon, maging ang mga rutang apektado ng kaguluhan at digmaan.
Sa bawat paglalayag natin, hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari. Pero patuloy tayong bumibiyahe, nagtatrabaho, at ginagampanan ang ating tungkulin para sa ating pamilya at para patuloy na umandar ang mundo.
Sa gitna ng lahat ng panganib, ang tanging hangad natin ay simple lang, makauwi tayong ligtas, malusog, at muling mayakap ang ating mga mahal sa buhay.
Kaya saludo sa ating lahat, mga kabaro! Hindi man madali ang buhay-marino, kinakaya natin dahil alam nating may pamilyang naghihintay sa bawat pag-uwi natin.
Patuloy tayong mag-ingat, magbantay, at magdasal sa bawat biyahe. π
Fair winds and following seas, mga kabaro!
Sama-sama tayong lalaban sa alon, haharap sa panganib, at uuwi nang ligtas. βππ΅π
Happy National Seafarers Day! π’