21/01/2025
Luge yung potchi kong nabile hangin lamang
: Naging usap-usapan ang isang lalaki mula Buckinghamshire, England, matapos niyang i-post sa social media ang nabiling Mars chocolate na makinis at walang signature ripple design.
Ayon kay Harry Seager, napansin niyang makinis ang Mars bar na binili niya, kaya agad niya itong kinuhanan ng litrato. Ipinost niya ang larawan kung saan nakakuha ito ng maraming reaksyon.
Sa pahayag ng Mars Wrigley UK, ipinaliwanag nilang nangyari ang imperfection dahil nakalimutan lagyan ng hangin ang chocolate bar, kaya hindi ito nagkaroon ng ripple effect. Bilang kompensasyon, nakatanggap si Harry ng Β£2 (nasa 200 pesos) bilang refund. (Kleir Raymundo)