The Scroll Publication

The Scroll Publication The Official Student Publication of Philippine Christian University Senior High School – Manila Through any waves, we cannot be swayed.

We are the vanguard of truth, we move the current in every page.

BALITANG KAMPUS | Pista para sa Buwan ng Wika ng Ikalawang SesyonDumalo ngayong hapon, Setyembre 3, 2026 ang mga mag-aar...
03/09/2026

BALITANG KAMPUS | Pista para sa Buwan ng Wika ng Ikalawang Sesyon

Dumalo ngayong hapon, Setyembre 3, 2026 ang mga mag-aaral ng baitang 12 mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), Accountancy, Business, and Management (ABM), Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), at Technical-Vocational Livelihood (TVL) ng Philippine Christian University–Manila (PCU–M) upang ipagdiwang ang Salo-Salo x Kasuotang pinoy bilang paggunita sa Buwan ng Wika. 

Naging pangunahing sentro ng programa ang mga kasuotan, pagkaing pinoy, at mga disenyo ng bawat silid-aralan na nagbubunyi ng kultura ng bansa.

Ulat ni S. Roxas, Manunulat ng Balita
Lente ni K. Lagrimas, Punong Manlalarawan

BALITANG KAMPUS | Pista para sa Buwan ng Wika‎‎Nagsagawa ngayong umaga ang sesyon, Setyembre 3, 2026, ang mga mag-aaral ...
03/09/2026

BALITANG KAMPUS | Pista para sa Buwan ng Wika
‎
‎Nagsagawa ngayong umaga ang sesyon, Setyembre 3, 2026, ang mga mag-aaral ng ika-11 baitang mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Technical-Vocational Livelihood (TVL), Accountancy, Business, and Management (ABM) strand ng Philippine Christian University–Manila (PCU-M) ang pista ng Salo-Salo x Kasuotan bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika.
‎
Nakibahagi ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusuot ng kasuotang pinoy at pagdadala ng iba’t ibang pagkain na kanilang pinagsaluhan bilang bahagi ng programa.

Ulat ni S. Delacruz, Patnugot ng Balita
Lente ni K. Veloso, Katulong na Larawang-Pahayag

LATHALAIN | Sa Puwang ng Hindi NakikitaSa likod ng mga matagumpay na kaganapan ay may mga pagpaplanong hindi nakikita ng...
31/08/2026

LATHALAIN | Sa Puwang ng Hindi Nakikita

Sa likod ng mga matagumpay na kaganapan ay may mga pagpaplanong hindi nakikita ng iba. Mga pagod at pag-uusisa bago tuluyang mabuo ang isang ideya. Hindi lahat ng nakikita ng dalawang mata ay kayang ipaliwanag ang buong kwento tulad sa isang organisasyon, maaaring makita mo sila bilang isang buo, ngunit ang bawat isa ay may kani-kaniyang tungkuling ginagampanan upang tuluyang magkaroon ng maayos na daloy ang kaganapan.

Bago magkaroon ng halalan sa paaralan, naroon ang mga taong tahimik na gumagabay sa bawat proseso—ang mga pinuno ng Commission on Student Elections (COMSELEC). Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang mga gawaing kailangang paghandaan bago pa man magsimula ang mismong halalan. Limang pinuno ang bumubuo sa puso ng COMSELEC, bawat isa ay may natatanging tungkulin at pananagutang kailangang gampanan. Sa bawat posisyong kanilang hawak ay may kaakibat na responsibilidad na kailangan nilang panindigan.

Kahit mabigat ang tungkuling kaakibat ng pagiging chairperson, patuloy itong ginagampanan ni G. Romhiel Anthony De Vera sa pamumuno sa buong organisasyon. Sa kabila ng iba't ibang balakid, patuloy siyang naniniwala sa kakayahan ng kanyang mga miyembro. Para sa kanya, ang komunikasyon ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakaroon ng maayos na daloy ng kanilang organisasyon at sa pagsasagawa ng mga planong kanilang binuo. Bilang mensahe para sa mga susunod na magiging bahagi ng organisasyon, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa organisasyon at pagkakaroon ng integridad bilang isang student leader. Higit sa lahat, hinihikayat niya silang matutong gumawa ng tamang pagpili, kahit pa mahirap ang mga desisyong kanilang haharapin.

Higit na mahirap para sa isang organisasyon kung aasa lamang ito sa chairperson. Kung kaya't kinakailangan niya ng kanang kamay—ang General Secretary. Si Bb. Marhian Remo ang gumaganap bilang General Secretary ng COMSELEC, na nagpapanatili ng pagiging organisado at maayos na daloy ng mga gawain. Dahil mayroon na siyang karanasan bilang sekretarya, mas mapapadali para sa kaniya ang pagtupad sa kaniyang mga tungkulin. Gayunpaman, may mga pagkakataong nakakaranas din siya ng mental block at hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Sa kabila nito, mayroon siyang mga taong nahihingian ng payo, tulad ng kanilang chairperson at adviser, na gumagabay sa kanya upang maging maayos at matagumpay ang kanyang mga ginagawa bilang General Secretary. Ipinakikita rin niya ang pagiging maunawain sa kanyang mga miyembro—isang katangiang mahalaga upang mapanatili ang pagkakaisa ng isang organisasyon.

At upang mapanatili ang pagkakaisa nito, mahalaga rin ang taong nakatuon sa maayos na pamamahala ng mga gawain at yaman ng organisasyon. Si G. Wilson Talion, Director of Finance Committee ng COMSELEC, ay may tungkuling tumulong sa pamamahala ng mga kinakailangang yaman at gawain ng organisasyon. Sa kabila ng mga pagkaantala, nagawa pa rin nilang pamahalaan ang mga pangunahing kaganapan sa pamamagitan ng kanyang pamumuno at pakikipagtulungan sa mga kasama. Ipinagmamalaki niya ang pagkakataong makatulong ang COMSELEC sa student body upang makapili ng lider na kakatawan sa kanila. Siya ay nag payo sa mga susunod na magiging bahagi ng organisasyon, iminungkahi niya ang pagiging aktibo, maayos na pakikipagkomunikasyon, at pagiging responsable sa bawat tungkulin.

Noong una, hindi gaanong kumbinsido si Bb. Andrea Lorraine Bahia sa kanyang sariling kakayahan. Ngunit nagkaroon siya ng lakas ng loob nang maisip niyang hindi naman siya pipiliin kung walang nakikitang potensyal sa kanya. Iyon ang unang pumasok sa isip ng Director of Education and Information Committee bago siya sumali sa COMSELEC. Sa pamamagitan ng organisasyon, natutunan niya kung paano mamuno at makipag komunikasyon sa ibang tao. Para sa kanya, mahalaga ang komunikasyon kaya kinakailangang magkaroon ng matibay na pundasyon nito. Para sa mga susunod na miyembro ng COMSELEC, binigyang-linaw niya ang pagkakaroon ng integridad, pagsusulong ng transparency sa bawat kilos, at pagiging mabuting lider.

Limang pinuno, magkakaibang tungkulin, ngunit iisa ang layunin—ang maisakatuparan ang isang maayos at makabuluhang halalan. Kabilang sa mga taong tumutupad sa layuning ito si G. Nicholas Rapael Lademora, ang Director of Organization and Development Committee ng COMSELEC. Naging interesado siya sa organisasyon at ang pagiging bahagi ng COMSELEC ay nagbigay sa kanya ng higit na kamalayan sa mga usaping pampolitika, isang mahalagang bagay para sa isang kasapi ng organisasyon. Sa kabila ng mga paghihirap, pinatunayan niyang malalampasan din ang mga ito sa paglipas ng panahon. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa isang aktibidad na nangangailangan ng mahabang oras ng pagtutulungan, kasabay ng isang seminar. Sa kabila ng masamang panahon, matagumpay pa rin nila itong naisakatuparan. Bagama't nakakapagod pagsabayin ang pagiging estudyante at pagiging bahagi ng isang organisasyon, para sa kanya, nagiging makabuluhan ang oras na inilaan dahil ito ay para sa ikabubuti ng kanilang mga kapwa estudyante.

Patuloy ang paglilingkod ng limang pinunong ito ng COMSELEC para sa ikabubuti ng student body. Sa kabila ng pagod na hindi nakikita ng lahat, napapalitan naman ito ng kasiyahan sa pagkakaroon ng maayos na pamamahala, paglilingkod at sa likod ng bawat matagumpay na halalan ay hindi lamang isang organisasyon, kundi mga taong naglaan ng oras, pagod, at puso upang maisakatuparan ito.

Sa likod ng bawat matagumpay na halalan ay hindi lamang isang organisasyon, kundi mga taong naglaan ng oras, pagod, at puso upang maisakatuparan ito.

Panayam ni C. Salas, Manunulat ng Lathalain
Transkripsyon ni C. Oporto, Manunulat ng Lathalain
Lente nina J. Bautista, Manlalarawan at K. Lagrimas, Punong Manlalarawan
Disenyo ni J. Punsalan, Punong Patnugot

BALITA | PASINAYA 2026: Mga Bagong Opisyal ng PCU-Manila, Pormal nang Nanumpa sa KatungkulanNoong ika-27 ng Agosto 2026,...
28/08/2026

BALITA | PASINAYA 2026: Mga Bagong Opisyal ng PCU-Manila, Pormal nang Nanumpa sa Katungkulan

Noong ika-27 ng Agosto 2026, ipinagdiwang ang Oath-Taking na may temang PASINAYA 2026 sa pamumuno ng Supreme Student Government (SSG) ng Senior High School (SHS), na ginanap sa ika-pitong palapag ng Gusaling Pang-agham at Teknolohiya ng Philippine Christian University–Manila (PCU–M). Kung saan dumalo ang mga opisyal ng kaguruan at opisyal ng iba’t-ibang organisasyon bilang panimula para sa paunang bendisyon bilang liderato na idinaos para sa paghahanda sa Taong Panuruan 2026–2027

Nagsimula ang programa sa isang pambungad na panalangin nina G. Jhudiel Roma Crusis, Public Information Officer ng SSG at G. Luis Miguel S. Escaño, SSG Peace Officer, sa pamamagitan ng pag-awit ng “Lilim” ng Victory Worship, na agad sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit. Nagsilbing mga tagapagdaloy ng palatuntunan sina Bb. Janna Lois Ponce, SSG Peace Officer at G. Elijah Benidect Rada, Broadcasting Director ng The Scroll Publication (TSP)

Ipinaabot ni G. Marlon Anthony Tablante, Program Head ng SHS, ang kaniyang pambungad na bati at binigyang-diin na ang panunumpa sa araw na ito ay pagpapatuloy ng tradisyon ng pamantasan sa paghubog ng mga lider.

Ibinahagi naman ni Dr. Dominga R. Tabada, Direktor ng Student Services Office, ang kaniyang mensaheng “Service over Status” o paglilingkod higit sa katayuan sa ilalim ng temang “Called to Lead, Chosen to Serve” na tinawag upang mamuno at pinili upang maglingkod. Binigyang-diin niya na ang tunay na pamumuno ay nakabatay sa dedikasyon sa paglilingkod sa kapwa at hindi sa posisyon.

Kasunod nito ang pormal na panunumpa ng mga opisyal ng kaguruan sa pamumuno ng Presidente ng Kaguruan na si G. Jhon Kevin Miranda. Sinundan ito ng panunumpa ng mga tagapagpayo ng bawat organisasyon na pinangasiwaan ni Bb. Rosemarie D. Ismael, Tagapamahala ng Office of Student Affairs (OSA).

Ipinalabas din ang isang maikling video presentation na inihanda ng TSP , katuwang ang mga opisyal ng iba't ibang organisasyon upang ipakita ang diwa ng pamumuno.

Naging pangunahing bahagi ng seremonya ang paglalagay ng pin at pormal na panunumpa ng mga lider-estudyante sa pangangasiwa ni G. Ariel Loñosa, Tagapag-ugnay ng Ika-12 Baitang. Kasabay nito ang paggawad ng mga sertipiko at personal na mensahe mula sa kani-kanilang mga tagapagpayo.

Sa kaniyang pananalita, binigyang-diin ni Mary Angela Piano, SSG President, ang paalala ni Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng tanong na: “Ano ang dapat asahan ng bayan sa atin?” Pinasalamatan naman ni G. Miranda, Presidente ng Kaguruan, ang mga lider-estudyante sa kaniyang tugong mensahe.

Nag-iwan naman ng hamon si Bb. Ismael sa mga bagong opisyal sa kaniyang pahayag: “The real challenge has begun; it is the challenge to lead.” na nagpapatunay na nagsimula na ang tunay na hamon; ito ang hamon ng pamumuno. Nagtapos ang palatuntunan sa paglalahad ng mga paparating na aktibidad at sa pangwakas na mensahe at pagbati mula kay G. Loñosa.

Ang Pasinaya ay hindi lamang seremonya ng pagsisimula; ito ay paghahanda sa yapak ng mga hamong matatamo nang may responsibilidad na kaakibat.

Ulat ni S. Roxas, Manunulat ng Balita
Lente ni S. Suyod at J. Bautista, Mga Mamlalarawan
Inilathala ni P. Salaysay, Social Media Moderator.

BALITA | Tagisan ng Talino sa Wika, Panitikan, at Komunikasyon‎‎Noong Agosto 26, 2026 isinagawa ang Tagisan ng Talino pa...
28/08/2026

BALITA | Tagisan ng Talino sa Wika, Panitikan, at Komunikasyon
‎
‎Noong Agosto 26, 2026 isinagawa ang Tagisan ng Talino para sa pagdiriwang Buwan ng Wika 2026 na pinangunahan ng Filipino Club na ginanap sa Science Technology Building, Philippine Christian University-Manila (PCU-M). Hinati ang kompetisyon sa dalawang sesyon, na nilahukan ng mga mag-aaral sa baitang ika-11 at ika-12 na baitang mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), Technical-Vocational Livelihood (TVL), Accountancy, Business, and Management (ABM), at Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), upang masukat ang kanilang kaalaman sa Filipino at makapili ng mga kinatawang lalaban sa mga kompetisyong gaganapin sa labas ng paaralan.
‎
‎Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan nina Ginang Darleene Cruz, g**o sa filipino, sa sesyon ng umaga; at Ginang Em-Em Yangao, Gurong Tagapayo ng Filipino Club, sa sesyon ng hapon. Sinundan ito ng pambungad na pananalita nina Ginang Jewel R. Pascual, Tagapag-ugnay ng Opisina ng Disiplina (D.O) para sa unang sesyon, at G. John Kevin Miranda, Koordineytor ng Filipino, para sa ikalawang sesyon.

‎Bago nagsimula ang kompetisyon, inilahad ang mekaniks at pamantayan ng paligsahan. Sa unang sesyon, si Bb. Belle Bayuga ang naglahad ng mekaniks para sa Easy Round, habang si Gng. Cruz naman para sa Medium at Hard Round. Sa ikalawang sesyon, si G. Miranda ang naglahad ng mekaniks para sa Easy Round, at si Bb. Bayuga para sa Hard Round.
‎
‎Sinimulan ang kompetisyon sa magkapares na kalahok sa iisang seksyon bawat strand at baitang ang kompetisyon. Sa easy round, hinarap ng bawat pares ang isang pagsusulit na may isang daang tanong sa loob ng limampung minuto. Limang pares na may pinakamataas na puntos ang umabante sa medium round bawat sesyon, kung saan indibidwal nang sumagot ang mga kalahok ng dalawampung tanong at binigyan ng labing-limang segundo na may katumbas na tatlong puntos.
‎
‎Tatlong kalahok na may pinakamataas na puntos ang nakapasok sa hard round sa dalawang sesyon. Sa yugtong ito, binigyan ang mga kalahok ng sampung segundo upang sagutin ang labing-limang tanong na may katumbas na limang puntos. Isinagawa ang magkakasunod na round upang matukoy ang mga kalahok na mangunguna sa bawat sesyon ng kompetisyon.
‎
‎Sa unang sesyon, nagwagi si Franz Abiel Guariño, mula sa 12-Cain , habang si Carl Joseph Presbetiro mula sa 12-Hagar ang nagwagi sa ikalawang sesyon.
‎
‎Sa pamamagitan ng Tagisan ng Talino, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa wika, panitikan, at komunikasyon bilang paghahanda sa mga susunod na kompetisyon sa Filipino.

Ulat ni S. Delacruz, Patnugot ng Balita
Lente ni K. Veloso, Katulong na Larawang-Pahayag

BALITA | Paligsahan sa Siyensya; IdinaosNoong Agosto 24, 2026, ginanap ang patimpalak sa Siyensya sa pamumuno ng Science...
28/08/2026

BALITA | Paligsahan sa Siyensya; Idinaos

Noong Agosto 24, 2026, ginanap ang patimpalak sa Siyensya sa pamumuno ng Science Club sa Academic Building, Room 409 ng Philippine Christian University-Manila (PCU-M). Mula dalawampung mag-aaral na ika-11 at ika-12 na baitang ng Accountancy, Business, and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMMS), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at Technical-Vocational Livelihood (TVL), ang lumahok. Kung saan ang aktibidad na ito ay mamimili ng magiging kinatawan na sasabak sa prestihiyosong kompetisyon sa Science.

Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinamunuan ni G. John Paul Gerona, g**ong tagapayo ng Science Club, na nagsilbing tagapagsalita. Katuwang niya sa pamamahala sina Bb. Shyla Pilapil bilang koordinator na sya ring opisyal na tagapagtala ng puntos ng mga kalahok, at G. Jeth Martin Rapiz na isa rin sa mga g**o ng agham, kasama ang multimedia committee ng Science Club na nagsilbi ring tagapangasiwa ng programa.

Sa easy round, may labinlimang tanong na may katumbas na tig-isang puntos sa loob ng labinlimang segundo bawat katanungan, at sa yugtong ito lahat ng kalahok ay kumpletong umabante sa susunod na bahagi ng kompetisyon. Sinundan ito sa average round kung saan ang mga kasagutan ay tutukuyin at susuriin mismo kung ano ang nakasaad na katanungan sa screen. Na may tatlongpung segundong ilalaan sa bawat tanong, na siyang may katumbas na tatlong puntos kung saan labinlimang kalahok lamang ang tinatayang nakapasa. Dito ay pinagsama ang puntos na nakuha mula sa easy at average round upang malaman kung sinong mga kalahok ang aabante sa susunod na yugto.

Sumapit na ang difficult round, kung saan sampung katanungan na may limang puntos bawat isa ang hinarap ng mga natitirang kalahok sa loob ng apatnapu’t limang segundo sa isang tanong. Dahil nagkaroon ng tabla, isang tie-breaker round ang agad na isinagawa para sa walong mag-aaral upang matukoy ang mga makakasama sa opisyal na listahan ng sampung kalahok na may matataas na puntos at kung sino ang mga pinal na magwawagi.

Nagtapos ang paligsahan sa mensahe ni Bb. Shyla Pilapil, kung saan binati niya ang sampung manlalahok na nakakuha ng matataas na puntos para sa kanilang naging pagtanghal sa paligsahan.

Ulat ni P. Baracao, Manunulat ng Balita
Lente ni K. Veloso, Katulong na Larawang-Pahayag

BALITA | Tunghayan: Tagisan sa SipnayanNoong Agosto, 24, 2026, opisyal na nagsimula ang Math Quiz Bee sa pamumuno ng Sip...
25/08/2026

BALITA | Tunghayan: Tagisan sa Sipnayan

Noong Agosto, 24, 2026, opisyal na nagsimula ang Math Quiz Bee sa pamumuno ng Sipnayan Club sa Academic Building, Room 409 ng Philippine Christian University - Manila (PCU-M). Ang mga kalahok na estudyante ay nasa ika-11 at ika-12 na baitang mula sa Accountancy, Business, and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), at Technical-Vocational Livelihood (TVL) strand. Kung saan ang aktibidad na ito ay mamimili ng magiging kinatawan na sasabak sa prestihiyosong kompetisyon sa Math.

Ang kaganapan ay pinangunahan sa isang panalangin ni Aramis Saldua, miyembro ng Sipnayan Club, na sinundan ng pambungad na pananalita ni Bb. Reigelle Anne P. Aquino, ang koordinator ng Matematika. Nagsimula ang kompetisyon sa ilalim ng patnubay nina Bb. Ma. Christine G. Morallos at Bb. Mery Fhe A. Paoa, na mga koordinator ng Sipnayan Club, kasama ang tulong ng mga miyembro ng Sipnayan Club.

Nagsimula ito sa madaling bahagi ng kompetisyon, kung saan binigyan ang mga kalahok ng labindalawang segundo upang ilista ang kanilang mga kasagutan sa white board. Pagkalipas ng unang round, dumako ang mga kalahok sa susunod na bahagi, ang panggitnang yugto ng kompetisyon. Na binubuo ng labinsiyam na miyembro kung saan sila ay binigyan ng apatnapung segundo upang isulat ang kanilang mga kasagutan, na may katumbas na tatlong puntos sa bawat tanong.

Sinundan naman ito ng maikling hinto ng kompetisyon para sa bawat kalahok, at kung saan sinuri ng mga miyembro at mga tagapag-ugnay ng club ang mga puntos upang ipahayag ang mga pinal na mga kalahok na magpapatuloy sa huling round.

Natapos ng may natitirang labintatlo mula sa labinsiyam na kalahok ang natitira, na muling nagsimula para sa huling bahagi o matinding yugto ng kompetisyon. Binigyan ang mga kalahok ng animnapung segundo sa pagsagot na may katumbas ng limang puntos. Nagtapos naman ang paligsahan na may huling pasasalamat mula sa mga koordindor ng Matematika. Ang mga resulta ay ipinahayag sa opisyal na page ng Sipnayan Club, kung sinong mga manlalahok ang nagkamit ng tagumpay sa kompetisyon.

Ulat ni A. Tamayo, Manunulat ng Balita
Lente ni K. Veloso, Katulong na Larawang-Pahayag
Inilathala ni P. Salaysay, Social Media Moderator

Mic test 1, 2, 3 - 3, 2, 1 — it is once again, Elijah's Day!He, who found passion and dream is now continuously leading ...
16/08/2026

Mic test 1, 2, 3 - 3, 2, 1 — it is once again, Elijah's Day!

He, who found passion and dream is now continuously leading himself in the world of journalism, a vanguard of truth who will always stand to ascend what is right.

To stand, to speak, and to inform — that is what he believes is his purpose. He grew to have hope for mankind through shared stories that are told from the heart – stories that mirror truth, resilience, and hope.

Your presence will stay through every place you've been. The cameras that once caught you, the words you spoke, and how you brought yourself to be the voice of those who can't and had no chance to speak. He may not have all the answers, but it is certain that his stories will bring you the truth that will encourage you to serve and believe.

Continue to stand with confidence like you always do as you speak in front of the camera. From The Scroll Family, happiest 18th birthday to our broadcasting director!

SCI-TECH | Bagong Organelle: 400 Taong PananaliksikMula kay Robert Hooke at pag-aaral niya sa cork noong 1665 hanggang n...
11/08/2026

SCI-TECH | Bagong Organelle: 400 Taong Pananaliksik

Mula kay Robert Hooke at pag-aaral niya sa cork noong 1665 hanggang ngayon, patuloy pa ring nadaragdagan ang kaalaman sa pinakamaliit na yunit ng buhay, ang selula. Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa University of Virginia (UVA) School of Medicine at National Institutes of Health (NIH) ang Hemifusome, isang bagong organelle sa selula na maaaring makatulong sa paghahanap ng lunas para sa mga Neurodegenerative diseases, mga sakit na unti-unting sumisira sa mga nerve cell o selulang nagpapadala ng mensahe sa utak at katawan, tulad ng Alzheimer’s at Parkinson’s disease.

Ayon sa mga mananaliksik, ang hemifusome ay may mahalagang papel sa Cellular Recycling, isang proseso ng pag-uuri, muling paggamit, at pag-aayos ng mga materyal tulad ng mga protina at lipid o taba sa loob ng selula. Bahagi rin ito ng komplikadong sistema ng selula na tumutulong sa pagpapanatili ng maayos na paggana at pagbuo ng mga bagong selula.

Dahil sa papel nito sa pamamahala ng mga materyal sa loob ng selula, pinag-aaralan ng mga siyentipiko kung paano maaaring magamit ang pagtuklas sa hemifusome bilang batayan sa pagbuo ng mga posibleng lunas para sa mga sakit na nakaaapekto sa utak.

References:
Tavakoli, A., Hu, S., Ebrahim, S. et al. Hemifusomes and interacting proteolipid nanodroplets mediate multi-vesicular body formation. Nat Commun 16, 4609 (2025). https://doi.org/10.1038/s41467-025-59887-9

University of Virginia School of Medicine. (2025, June 3). New organelle discovered: UVA and NIH researchers identify “hemifusomes” as a key to cellular recycling. Medicine in Motion News. https://news.med.virginia.edu/research/new-organelle-discovered-uva-and-nih-researchers-identify-hemifusomes-as-a-key-to-cellular-recycling/

Isinulat ni J. Wamil, Patnugot ng Agham at Teknolohiya
Lapat Sining ni N. Asanin, Pinuno ng Multimedia
Inilathala ni P. Salaysay, Social Media Moderator

LATHALAIN | Sa Tinta ng Nakaraan, Isinusulat ang Kinabukasan“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi maka...
11/08/2026

LATHALAIN | Sa Tinta ng Nakaraan, Isinusulat ang Kinabukasan

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”

Isang katagang madalas na iniuugnay kay Dr. Jose P. Rizal na hanggang ngayon ay nagsisilbing gabay sa bawat Pilipino. Hindi lamang ito simpleng paalala upang gunitain ang kahapon, kundi isang paanyaya na pahalagahan ang mga sakripisyong humubog sa ating bansa.

Sa bawat watawat na iwinagayway at sa bawat himig ng Lupang Hinirang, naaalala natin ang mga bayaning buong-tapang na nag-alay ng buhay para sa bayan. Hindi nila hinangad ang pagkilala o kasikatan—ang tanging hangarin lamang nila ay ang makitang malaya at maunlad ang Pilipinas. Sa kanilang paninindigan, naging daan sila upang makamtan natin ang kalayaan at hustisyang ating tinatamasa ngayon.

Subalit ang tinta na sumusulat sa ating kasaysayan ay hindi lamang nagmula sa nakaraan. Ang bawat ordinaryong Pilipino sa kasalukuyan ay may hawak ding panulat na nag-iiwan ng sariling marka.

Sa malayong bansa, naroon ang OFW na kumakapit sa telepono habang pinagmamasdan ang mukha ng anak sa screen kahit sa ilang minutong usapan lamang. Sa bukid, naroon ang magsasakang nakayuko mula umaga hanggang gabi, umaasang sapat ang ani upang may maihain sa hapag-kainan. Sa dagat, naroon ang mangingisdang humaharap sa malalakas na alon bago pa sumikat ang araw, dala ang pag-asang may maipapakain sa pamilya. Samantala sa kalsada, patuloy na bumabiyahe ang jeepney driver kahit pagod na ang katawan, kasabay ng nagtitinda sa bangketa na maagang nag-aayos ng paninda para sa pang-araw-araw na gastusin.

Madalas man hindi napapansin ang kanilang mga sakripisyo, ang kanilang sipag, tiyaga, at paglilingkod ay mahalagang bahagi ng kasaysayan at kulturang patuloy na bumubuo sa ating bansa.

Ngayong National History Month, higit pa sa paggunita ang ating tungkulin. Ang tunay na paggalang sa nakaraan ay makikita sa kung paano natin isinasabuhay ang mga aral nito—sa bawat mabuting desisyong ginagawa, sa bawat pangarap na pinagsisikapan, at sa bawat hakbang tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

Nawa’y hindi lamang natin alalahanin ang nakaraan, kundi gawin natin itong inspirasyon upang makalikha ng mas maayos na kinabukasan. Sapagkat ang kasaysayan ay hindi nagtatapos sa mga pahina ng aklat—patuloy itong isinusulat ng bawat Pilipinong may tunay na pagmamahal sa bayan.

Isinulat ni F. Salas, Manunulat ng Lathalain
Lapat Sining ni L. Sta. Rosa, Layout Artist
Inilathala ni P. Salaysay, Social Media Moderator

Address

1648 Taft Avenue
Manila
1004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Scroll Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Scroll Publication:

Shortcuts

Share