
11/06/2025
TINGNAN: Nabagsakan ng debris mula sa Skyway ang isang sasakyan sa Ninoy Aquino Avenue sa Barangay Tambo, Parañaque, ngayong Miyerkoles, June 11.
Ayon sa ulat ni Carlo Mateo ng DZBB, nagtamo ng sugat sa ulo ang driver ng SUV na dinala sa ospital.
Hinihintay pa ang resulta ng pormal na imbestigasyon kaugnay ng insidente, ayon sa Traffic and Parking Management Office ng Parañaque.
UPDATE: Sa pahayag ng Skyway O&M Corporation, operator ng NAIA Expressway, sinabi nilang isang "isolated" at "highly unusual" na insidente ang nangyaring pagbagsak ng debris sa Ninoy Aquino Avenue, at nagsasagawa na ng inspeksyon ang kanilang maintenance team. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng driver na nasugatan sa insidente.
"While this appears to be an isolated and highly unusual incident, our maintenance teams are now conducting a thorough inspection of the NAIAx carriageway to ensure there are no similar risks in the area," saad ng kompanya.
"We take this matter very seriously and are committed to ensuring the continued safety of all road users," ayon sa pahayag.
Courtesy: Traffic and Parking Management Office - City of Parañaque/Facebook
Ctto: