16/08/2025
JUSTICE FOR ALLERIA GABRIELLE JAMIAS
Bangkay at wala nang saplot nang matagpuan kaninang umaga ang batang naiulat na nawawala kahapon na si Alleria Gabrielle Jamias, kilala sa tawag na Portia, 7 years old, at taga Brgy. Bantog, Asingan, Pangasinan.
Ayon sa ulat, isang mag-live-in partner na mangingisda ang nakakita sa kanyang bangkay sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.
Batay sa pahayag ng mga saksi, isang puting Toyota Fortuner ang huminto sa tapat ng bahay at kinuha ang bata. Hindi tiyak ng pamilya kung kakilala ito o kung nagpanggap lamang na kilala sila upang mapasakay ang bata sa loob ng sasakyan.
Hustisya naman ang panawagan ng mga kaanak sa karumal-dumal na sinapit ng munting anghel.
Photo courtesy of Phoebe Ramos Orpilla