
03/03/2025
Dahil sa inaasahang mataas na heat index na aabot sa 43°C bukas, Marso 4, 2025, wala po munang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Maynila.
Sa halip, pwede pong mag shift ang mga paaralan sa alternatibong mga paraan ng pagkatuto para sa mga mag-aaral, tulad ng online classes o mga aktibidad na maaaring gawin sa kanilang mga tahanan.
Pinapaalalahanan ang lahat, lalo na ang ating mga mag-aaral, na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Hangga't maaari, manatili na lang sa loob ng bahay at iwasan ang matinding sikat ng araw. Kung kailangang lumabas, siguraduhing may proteksyon laban sa init. Ingat po tayong lahat.