13/06/2025
Manny Pacquiao, Balik sa Ring ngayong July 19!
Confirmed na! Manny "Pacman" Pacquiao is back! Matapos ang halos 4 na taon ng retirement, lalaban ulit si Pacquiao para sa WBC Welterweight Title kontra kay Mario Barrios sa MGM Grand, Las Vegas.
Si Pacquiao, 46, ay dating 8-division world champion at isa sa pinakamalupit sa boxing history. Last niyang pro fight ay noong 2021, at ngayon, handa na siyang sumabak ulit para sa isang title fight!
Ang kalaban niya, si Barrios, 29, ay current WBC champ matapos umakyat ng timbang si Terence Crawford. Known din siya sa aggressive at matapang na estilo sa ring.
Balik-aksiyon si Pacman, kaya pa bang gulatin ni Manny ang buong mundo?