Ang Pahayagang Plaridel

Ang Pahayagang Plaridel Ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Pamantasang De La Salle. Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.
(2)

TINGNAN: Tinatalakay sa “VoteReal: A Post-Elections Reality Check” ang kinalabasan ng Halalan 2025 at ang papel ng kabat...
28/06/2025

TINGNAN: Tinatalakay sa “VoteReal: A Post-Elections Reality Check” ang kinalabasan ng Halalan 2025 at ang papel ng kabataan sa pagpapatibay ng demokrasya sa ikaanim na palapag ng The Learning Commons, Hunyo 28.

Pinangungunahan nina Dr. Francisco Magno, Dr. Julio Teehankee, Atty. Ona Caritos, at Xymoun Rivera ang naturang diskusyon.

TINGNAN: Inihahanda na ng mga tagasuporta at miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ ang kanilang mga bandila, plakard, at kas...
28/06/2025

TINGNAN: Inihahanda na ng mga tagasuporta at miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ ang kanilang mga bandila, plakard, at kasuotan para sa isasagawang Pride March sa University of the Philippines Diliman mamayang ika-2:00 n.h., Hunyo 28.

TINGNAN: Ikinakasa ang “Pride Expo” ng   bilang isang espasyo para sa mga organisasyon, negosyo, at komunidad ng LGBTQIA...
28/06/2025

TINGNAN: Ikinakasa ang “Pride Expo” ng bilang isang espasyo para sa mga organisasyon, negosyo, at komunidad ng LGBTQIA+ upang maipakilala ang kanilang mga produkto, serbisyo, at adbokasiya sa University of the Philippines Diliman, Hunyo 28.

PALALAWIGIN ang akademikong kalendaryo ngayong ikatlong termino ng akademikong taon 2024–2025 upang tugunan ang mga naan...
28/06/2025

PALALAWIGIN ang akademikong kalendaryo ngayong ikatlong termino ng akademikong taon 2024–2025 upang tugunan ang mga naantalang klase dahil sa mga naganap na suspensyon, Hunyo 28.

Magsisilbing araw ng make-up class ang Agosto 4 para sa mga Huwebes na klase ng mga estudyanteng undergraduate at graduate sa Manila at Laguna campus. Magtatagal naman hanggang Agosto 5 ang make-up class ng mga estudyanteng undergraduate sa Laguna campus.

Bunsod nito, iniusog ang mga petsa ng pinal na pagsusulit na isasagawa mula Agosto 6 hanggang 12. Itinakda rin ang Agosto 15 bilang grade consultation day.

TINGNAN: Nakikilahok ang pamayanang Lasalyano kasama ang kanilang mga pamilya para sa “TIBOK: PUSO Family Day 2025” bila...
28/06/2025

TINGNAN: Nakikilahok ang pamayanang Lasalyano kasama ang kanilang mga pamilya para sa “TIBOK: PUSO Family Day 2025” bilang bahagi ng University Vision-Mission Week 2025 sa Henry Sy Sr. Hall Grounds, Hunyo 28.

Binubuo ang naturang programa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng bingo, raffle, at pagtatanghal.

NAMAYAGPAG ang De La Salle University-Manila matapos makapagtala ng 100% passing rate sa Special Professional Licensure ...
27/06/2025

NAMAYAGPAG ang De La Salle University-Manila matapos makapagtala ng 100% passing rate sa Special Professional Licensure Exam for Teachers, Hunyo 27. Mas mataas ito kompara sa 66.83% national passing rate o 399 pumasa mula sa 597 kumuha ng pagsusulit.

Nakamit naman ng Lasalyanong si Simon Medina Ogbac ang ikalawang puwesto sa naturang pagsusulit matapos makakuha ng markang 89.20%.

| mula Professional Regulation Commission

INANUNSIYO ng Campus Development Office, katuwang ang Security and Safety Office Laguna Campus at Ayala Land, na bubuksa...
27/06/2025

INANUNSIYO ng Campus Development Office, katuwang ang Security and Safety Office Laguna Campus at Ayala Land, na bubuksan ang Gate 2 ng kampus ng Laguna sa kahabaan ng Br. Andrew Road mula ika-12:00 n.h. sa Lunes, Hunyo 30.

Binigyang-diin ng naturang opisinang tanging mga sasakyang may opisyal na DLSU car sticker lamang ang pinahihintulutang dumaan sa nasabing gate. Lilimitahan din ang operasyon nito mula ika-6:00 n.u. hanggang ika-6:00 n.g. habang nagpapatuloy pa ang konstruksiyon sa Broadfield area.

| mula Help Desk Announcement 06272025

TINGNAN: Isinasabuhay ng pamayanang Lasalyano ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng musika sa “Ascend: Worship ...
27/06/2025

TINGNAN: Isinasabuhay ng pamayanang Lasalyano ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng musika sa “Ascend: Worship Concert” bilang bahagi ng University Vision-Mission Week 2025 sa Natividad Fajardo-Rosario Gonzalez Auditorium, Hunyo 27.

Binubuo nina Izzie Epifanio, Colinas, Uno Sebastian, at ng HIS Vocal Ensemble ang isang gabi ng pagbabalik-loob at espiritwal na pagninilay.

INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs na mananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Israel at Iran sa kabila ng ce...
27/06/2025

INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs na mananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Israel at Iran sa kabila ng ceasefire sa pagitan ng dalawang bansa kahapon, Hunyo 26.

Alinsunod dito, epektibo pa rin ang voluntary repatriation para sa mga overseas Filipino sa Israel at Iran.

Matatandaang ipinahayag ni United States President Donald Trump na nagkasundo ang dalawang panig na ipatupad ang ceasefire nitong Martes, Hunyo 24.

| mula ABS-CBN News

SARADO ang Animo Labs mula Hulyo 1 hanggang 4 para sa kanilang isasagawang benchmarking activity.Babalik ang operasyon n...
27/06/2025

SARADO ang Animo Labs mula Hulyo 1 hanggang 4 para sa kanilang isasagawang benchmarking activity.

Babalik ang operasyon ng opisina sa Hulyo 7.

SARADO ang mga opisina ng College of Science (COS) para sa COS Administrators & Staff Planning Workshop sa Hunyo 30.Baba...
27/06/2025

SARADO ang mga opisina ng College of Science (COS) para sa COS Administrators & Staff Planning Workshop sa Hunyo 30.

Babalik ang operasyon ng mga opisina sa Hulyo 1.

TINGNAN: Pinagtitibay ng De La Salle University Employees Association at De La Salle University ang naging kasunduan hin...
27/06/2025

TINGNAN: Pinagtitibay ng De La Salle University Employees Association at De La Salle University ang naging kasunduan hinggil sa mga benepisyo ng mga empleyado sa isinasagawang Collective Bargaining Agreement Signing sa Henry Sy Sr. Hall Roof Deck, Hunyo 27.

Address

San Roque

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Pahayagang Plaridel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share