24/08/2025
𝐀𝐍 𝐎𝐏𝐄𝐍 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐕𝐈𝐂𝐎 𝐒𝐎𝐓𝐓𝐎
Dear Mayor Vico Sotto,
First of all, thank you. Thank you for speaking the truth when silence would’ve been safer. Thank you for calling out the media’s complicity in laundering reputations for a price. Thank you for reminding us that integrity still has a place in public service.
Dahil sa tapang mo, nagkakaroon kami ng boses at liwanag. Dahil sa tuwing nagsasalita ka tungkol sa kabulukan ng sistema, pakiramdam namin ay may nakikinig sa amin. Dahil sa tuwing lumalaban ka sa katiwalian, pakiramdam namin ay hindi totoong wala nang pag-asa ang ating bayan.
⭐️ Tinapos mo ang 27-year political dynasty sa Pasig sa pamamagitan ng kampanyang nakasentro sa anti-corruption and transparency. Lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Pinarami mo ang bilang ng scholarship beneficiaries, habang binabawasan ang political interference sa pamahalaan. Lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Patuloy mong pinapalakas ang health services at ang modernisasyon ng Pasig City General Hospital at pagbuo ng community health centers. Lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Pinapaigting mo ang disaster preparedness at real-time response systems, lalo na noong kasagsagan ng pandemya at tuwing may kalamidad. Lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Mahalaga sa iyo ang edukasyon kaya patuloy mong sinisiguradong maitatayo ang mga bagong school buildings at ang digitalization ng public education systems sa Pasig. Lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Bukas ka sa publiko. Sa pamamagitan ng Pasig Transparency Mechanism, kung saan ang mga kontrata at transaksyon ng gobyerno ay makikita ng taumbayan, lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Sa bawat proyektong ipinapatupad mo, ayaw mong naroon ang pangalan at picture mo dahil ang paniniwala mo, pera ng taumbayan ‘yun kaya wala kaming utang na loob sa mga pulitiko. Lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Ayaw mo sa palaksan system, kaya maingat mong ipinapatutupad ang merit-based hiring sa city hall kaya lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
⭐️ Lahat ng mamamayan sa Pasig City ay aktibong nakikilahok sa mga desisyon ng lungsod. Patunay ito ng pagpapalakas ng participatory governance kaya lugi pa ba kami sa kind of leadership na ipinapakita mo?
Dahil sa mga ito, mas naniniwala kami sa iyo. Salamat sa tapang mong magsalita kahit alam mong babanggain mo ang malalaking pangalan. Tunay na kapag nagsasalita ka lang ng katotohanan ay wala kang dapat katakutan kaya hindi na kami lugi sa kind of leadership na ipinapakita mo.
Hindi mo sinolo ang spotlight. Hindi mo ginamit ang posisyon para magpabida. Dahil alam mong ang boses mo ay boses rin naming pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na. Kaya hindi na kami lugi sa kind of leadership na ipinapakita mo.
At sa panahong ang kabataan ay nalilito kung sino ang dapat tularan, ikaw ang naging sagot. You showed us that leadership is not about fame, but about principle. That serving people is more important than power. That speaking the truth is not noise but wisdom. Kaya malinaw na hindi na kami lugi sa kind of leadership na ipinapakita mo.
Mayor Vico, salamat sa pagiging huwaran. Salamat sa pagpapatunay na puwede pa palang maghalal ng matino, mahusay, at may pusong lider. All in one persona. Salamat sa pagpapatunay na hindi lahat ng nasa gobyerno ay bulok. Salamat sa pagbigay ng liwanag sa gitna ng dilim. At higit sa lahat, sa pagpaparamdam na hindi na kami lugi sa kind of leadership na ipinapakita mo.
Ikaw ang paalala na may pag-asa pa ang bansang ito.
PS: Kahit ang larawan sa post na ito, mula sa iyong page, ay nagpapakitang hindi kailangan ng mukh ng pulitiko para masabing naging mabuti siyang lingkod-bayan. Na ang tao, ang bayan, ang siyang tunay na sandigan ng ating pag-usad sa maling sistema.