Pluma at Tinta.

Pluma at Tinta. Tuloy kayo, sa Pahina nang Aking Mundo.

22/04/2026

"Kung kalapastanganan ang ibigin ka
kundi rin ikaw bakit pa ako magmamahal ng iba?.."

22/03/2026

"Akala ko makakatakas ako sa lungkot ng iyong
ala—ala, ngunit hindi pala, sapagkat kapirasong larawan mo ay nasa isipan ko pa."

15/02/2026

"papaano ko masasabi na ako'y sayo at akin ka, kung sa bawat hiling mo ay may mga rason at dahilan na para bitawan ka."

14/02/2026

"Sa tuwing iniisip mo na kulang ka, palagi mong isa-isip na pinipili at pipiliin ka niya.." ❤️

-HVD

12/02/2026

"Tamang tao, sa maling panahon."

Mahal na mahal,
sapagka't ikaw ang dinasal.
iba ang hiniling, pero ikaw dumating..

purong Ginto,
na pagmamahal ang alay sayo,
ngunit di sapat, kahit ibigay ko pa lahat.

hindi parin sapat.
sapagka't bulsa ay kulang,
di mapunan ang bawat patlang.

wala akong magawa, hindi kita matignan,
habang nadudurog ako sa kinatatayuan.

ikaw ang tamang tao, ngunit
nasa maling panahon tayo.

mahal na mahal,
pero hindi ko kaya bilhin ang tunay na halaga.
dahil sa bawat bangungot, at multo,
na dumadalaw gabi gabi.

hindi napapayapa ang puso sa,
kagaya kong walang magawa,
habang naglalakbay sa daang pagod ng balikan.

23/01/2026

"in search of gold,
i found diamond." ❤️

18/01/2026

"muling susulat, ng tula..
ngunit ikaw na ang pamagat
at habang buhay na pagmamahal
maging pasasalamat."

27/12/2025

"may mga kalungkutan,
na hindi na kaya ng Kape."

23/12/2025

Ang hirap pala.

*napakamalas ko sigurong tao, dahil sa haba ng Panahon, ganon pa rin at napaka ilap ng tadhana.
kailan ba kita makikita? saan kita hahanapin? at papaano tayo mapagtatagpo?
(papano nga ulit ang ma-inLove?)
sabagay manhid nako, hindi nako kinikilig,
halos bayarin nalang ang nagpapabilis ng tibok
ng puso ko, at sinanay kuna mag-isa ang sarili ko, habang napag-iiwanan na ng iba.

*hirap makahanap ng maayos na trabaho, palagi nalang hindi pinapalad kahit patuloy na nakikipagsapalaran, kaya mas pinili ko nalang
magNegosyo baka sakaling pumaldo.
pero? ano nga ba ang tunay na motibo sa isang
pagiging successful na tao.?

*pamilyang hindi buo, watak watak
sa darating na Pasko,
at taob ang wallet maging barya nalang
ang laman ng pitaka ko.

*eto ba ang nakaguhit sa palad ko?
ang maging tagapagpasaya ng iba
habang binubugbog ng kalungkutan ang kagaya ko.

*kailan...
magiging masaya at liligaya ang isang katulad ko,
uhmm siguro kapag wala na ako sa mundong ito?
dun lang magdiriwang ang ibang tao, kase wala kana, wala ng nagpapasaya sa mga kagaya nyo.
🫠🙃

*pero...
Laban pa! tatayo pako,
kahit durog at wasak na,
ang kanang Braso ko.
at kahit akala ko
na pinaglalaruan nalang ako ng tadhanang
inaakala kong isinusulat ng mga maling tao.

19/11/2025

masyadong mataas ang yong' halaga,
at hindi ko kayang bilhin ang ginto mong
pagmamahal na para sakin.

25/10/2025

"Kahit na mahirap mahalin ang katulad mo, at palagi nagtatalo ang puso at isipan ko,
mananatili parin ang isang kagaya mo,
na minsan ng binigo ang katulad ko, na palaging nandyan sa tuwing kailangan mo."

15/10/2025

"Susugal ako, sa paraan
na kaya kong ipanalo."

Address

Tondo
Manila
1012

Telephone

+639052576587

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pluma at Tinta. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pluma at Tinta.:

Share

Category