26/09/2025
Hello guys!
Una sa lahat, humihingi ako ng paumanhin sa mga naging comments ko nitong nakaraang araw sa ibat ibang thread. If may natamaan man akong PWD community pasensya na pati na rin sa isang personality na di ko na pangangalanan pa.
Sobrang iginagalang ko ang mga taong may kapansanan at mga hindi gaanong normal ang pamumuhay. Tao pa rin sila at may puso at damdamin. Wala akong intensyon na maliitin ang grupong ito dahil part pa rin naman sila ng pamayanan. Nagttrabaho, Nagbabayad din sila ng tax kagaya natin.
Ang intensyon ko ay bigyan ng leksyon ang mga pasaway na *grupo ng mga fans (or i say cults)* na pilit sinisiraan ang isang historical serye na naguumpisa pa lang ipalabas sa isang streaming platform. Dahil sa tuwing nagbibigay kami ng magandang feedback ay ito ay pilit kinokontra ng mga taong ito at nagiging below the belt ang paninira mula sa mga artistang gumaganap hanggang direktor hanggang sa writer at pati na rin sakin.
Again, Linawin ko lang na HINDI AKO ANG NAGPAUMPISA NG GULO. Nagbigay lang ako ng magandang feedback sa isang palabas at dun na ako inumpisahang tirahin ng tirahin nitong mga fans na ito na tinatawag daw nila sarili nilang "OG Readers" sa comment thread pati na rin sa mismong mga fb nila (may screenshot ako). In fact, i already blocked more than 30 people from this page. (Magtawa react ka lang autoblocked ka na agad)
MASAMA BANG MAG BIGAY NG MAGANDANG COMMENT PARA SA SHOW NA TALAGA NAMANG PABORITO AT INAABANGAN NG MGA GUSTONG MANOOD NITO???
GANYAN BA TALAGA ANG COMMUNITY NA ITO? PALIBHASA DI KAYO NAPAGBIGYAN SA ARTISTANG GUSTO NYO, FEELING NYO KAYO LANG MAY KARAPATAN MAGHUSGA??? Kaya di umuunlad ang bansa natin ang dami na nga natin Problema, Flood Control, Ghost Projects, pati ba naman kayo dadagdag pa? Sobra na yan!
Buti na lang, marunong akong gumanti. Di ako papatalo sa inyo. Sorry!
Gayunpaman, susubukan ko pa rin maging kalmado at pasensyado.
Eto na lang since magpapasko na....Magrespetuhan na lang tayo, let other people celebrate kung ano man ang tinatangkilik at sinusuportahan at sana ay wala na sanang basagan ng trip at walang laitan. Para lahat masaya everybody happy.
Basta ako, you guys can't stop me from posting good content especially about the shows I support. Yun lang.