Kurisutin in Japan

Kurisutin in Japan Accepting 1 on 1 Japanese Language Tutorial, sharing knowledge in Japanese, personal vlog

04/08/2026
25/07/2026

Ikaw anong dala mo?🤔😊

23/07/2026

In God’s will! Magbubunga din lahat ng pinagsisikapan mo!🙏🙏

12/07/2026

ANO BA DAPAT UNAHIN?🤔

Merong nagsasabi na “wag kana mag aral kc pagdating mo ng Japan matutunan mo naman lahat yan”. Naku po!🤦‍♀️ Noong unang panahon yun kc pwede kang magtrabaho sa Japan na Nihongo wakaranai (matiyaga pa magturo ang mga Hapon nun pero ngayon kc nirerequire na nila na mag aral ka muna ng Nihongo bago pumunta ng Japan kaya they expect na you can speak & understand atleast basic Nihongo. Kaya wag po kayo maniwala sa nagsasabi ng ganon kc kayo din po ang mahihirapan pagdating ng Japan pag wala kang baong Nihongo. Imagine nasa Japan kana pero wala kang maintindihan kung ano sinasabi nila!? Hindi naman pupwede na ipapaulit mo nlng lagi ang sinasabi nila o lagi nalang wakarimasen ang isasagot mo kc mendoukusai yun sa mga hapon (not all the time kayang mag adjust ng mga hapon para sayo) or laging nanjan si senpai para tulungan ka KAYA MAG ARAL KA KAHIT BASIC OR HIGIT PA (ikaw naman ang makikinabang nyan sa huli☺️).

So ano nga ba dapat ang unahin pag nag aral ng Nihongo?

1. HIRAGANA & KATAKANA WRITING - e master mo muna both Hiragana & Katakana (yung able to write & read ka). Yung iba ang galing makipag kaiwa (convo) in Japanese but can’t read & can’t write. Mas smooth po ang mag aral ng Nihongo kung nakakabasa at nakakasulat ka.

2. N5 LEVEL VOCABULARY & GRAMMAR - since can read & write kana, next step mo is to study the N5 Vocabs & Grammar (wag ka muna mag Kanji). I recommend you to purchase a N5 book para step by step at meron kang tamang guidance sa pag aaral lalo na sa grammar. Pag medyo nakaka adjust kana sa pag aaral at marami rami na yung knowledge mo, pwede mo na sabayan ng Kanji. Try mo na rin magpractice listening (marami po sa YouTube,tiktok & etc) at makipag conversation ka even sobrang basic palang knowledge mo.

3. N4 LEVEL VOCABULARY & GRAMMAR- once you mastered or about 80% mo ng kabisado ang N5, you may proceed to N4 level. Pag mag aral ka N4 Vocabs & Grammar, isabay mo na si Kanji (hindi kna masyadong mahirapan sa Kanji kc may knowledge kana sa N5 Kanji). Note: wag mo munang simulan ang N4 kapag nalilito kapa o hindi mo talaga halos naiintindihan ang N5 or nakakalimutan ang N5. Yung vocabs at grammar po ay napakaimportante kc yan po ang reference natin para makapag create ng sentence. Pag kabisado mo na ang N5 & N4, WAG NA WAG KALIMUTANG E APPLY. E PUSH MO ANG SARILI NA MAKIPAG CONVERSATION SA MGA NIHONJIN to practice your kaiwa at the same time mapractice yung listening skills mo.

4. KANJI, LISTENING & READING PRACTICE- wag mo muna agad simulan ang N3 level. Mas aralin mo pa or kabisaduhin mo pa ang N5 & N4. Pag medyo gamay mo na ang Kanji, kapag medyo nasasabayan mo na ang Listening at kapag medyo mabilis kana magbasa (like paragraph), then you may start the N3. (Manood ka din pala ng Anime or any Japanese drama).

5. N3, N2, N1 LEVEL VOCABULARY, GRAMMAR & KANJI - isama mo sa target ang N3 even N2 and why not N1 kung dekiru naman dba!? Same process din po sa N4, aralin mo ang vocabs, grammar, kanji, sabayan ng listening & reading practice and most importantly conversation practice with Nihonjin (mas maiimprove po ang Nihongo mo kapag nakikipag usap ka) at manood ka ng Anime, Japanese drama & etc.

6. PUSH YOURSELF TO TALK, TO HAVE A CONVERSATION WITH JAPANESE - maraming may gustong gumaling sa Nihongo pero ayaw naman o nahihiyang makipag usap sa mga Nihonjin. Wag po tayo matakot magsalita o matakot magkamali kc jan po tayo matututo. Lahat po ng magaling ay nagsimula sa pautal utal magsalita kaya push mo lang. 💪

Minna, ganbatte!❤️🫶🏻

10/07/2026

ALIN BA ANG MAUUNA? Selection muna then study or study muna then selection?

Minna, nakadepende po sa agency. Meron pong agency na mag aaral ka muna (ex. from lesson 1~lesson 10) at kailangan mong ipasa yun dahil kung hindi ay magreretake ka ng lesson then saka ka nila e liline up sa selection.

Meron din namang agency na mag aaral ka muna (habang nag aaral ka e liline up kana nila agad sa selection) - ibig sabihin mas mapabilis ang pagkakaroon mo ng employer.

Meron din namang agency na mauuna po ang selection process, once maselect ka ng employer, proceed kana po sa pag aaral ng Nihongo. (Mas advantage po yung ganitong proseso kc sigurado talaga na makakapag Japan ka kc may employer na.

Tandaan po ninyo, once maselect ka ng employer marami po silang request o bilin like ingatan ang sarili na wag magkasakit, madisgrasya, wag masangkot sa violence o gulo (yung tipong makukulong ka) kc once mangyari un ay e teterminate ka nila. Kaya kadalasan sa pagpili ng trainee laging may reserved trainee para in case may mangyari don sa sinelect nilang trainee ay hindi sila mahirapang hanapan ng kapalit kaya obey lang tayo lagi, wag matigas ang ulo and be humble (wag magyabang sa ibang trainee na wala pang employer). Most importantly, maging masipag sa pag aaral ng Nihongo habang nasa Pinas kapa (kc pag dating mo ng Japan, busy kana sa trabaho mahirap na isingit ang pag aaral kaya samatalahin mong mag aral habang nsa 🇵🇭 kapa).

Minna, ganbatte kudasai!💪🙏❤️🫶🏻

08/07/2026

SULITIN MO ANG JAPAN 🇯🇵 HABANG MAY PAGKAKATAON KAPA.

Alam kong hindi maiwasan ang stress o nakakastress talaga (para sa iba) ang magtrabaho sa bansang Japan dahil: Una: ibang iba talaga ang kultura ng Japan sa Pilipinas, napakaraming adjustments ang kailangan mong gawin. Pangalawa: lenggwahe nila na kailangan mo talagang pag aralan kc English is not commonly used in Japan. Mahihirapan ka kung wala kang alam o konti lang ang alam mo (like aisatsu lng) kaya mas mainam na aralin mo kahit basic Japanese. Hirap makasurvive sa pang araw araw lalo na kung pioneer ka (yung wala kang senpai na mag guguide sayo sa mga bagay bagay) and etc. KAHIT NAKAKASTRESS, WAG MONG KALIMUTANG E APPRECIATE ANG GANDANG TAGLAY NG JAPAN.

1. Gumala ka - wag kalimutang magchill, gumala ka pag yasumi mo kasama ang mga kaibigan kc mas masaya kung may kasama ka (yung budget friendly na gala ha baka sa kakagala mo wala kna naipon o nangungutang kana (not good po un😊). May mga gala na magastos talaga (okane kakaru) like pupunta kayo sa malayong lugar (ex. from Tokyo to Osaka), ok lang ang gumastos ng malaki kung minsan lang naman at sulit sulit naman ang lugar na pupuntahan. ☺️

2. 4 season memories - e experience mo every season (Winter, Spring, Summer, Autumn). Bumili ka ng damit na naaayon sa season like mag yukata ka pag Spring, magsuot ka ng coat / fur clothes then nakaboots pag Autumn & Winter and etc. Magcollect ka ng memories, magtake a picture, magtiktok with sakura background ganuurrrn.😊 (marami pong magagandang ukay ukay shop sa Japan kaya di problem ang outfit😉).

3. Umattend ng Matsuri (festival)- e experience mong manood ng matsuri. Pinakamasaya na matsuri (for me) is Hanabi matsuri (Fireworks festival) 🎇 then kasama mo si the one or kung wala eh di si dachi nalang😁.

4. Kumain ng Japanese food - baka mmya puro Pinoy foods nalang niluluto at kinakain mo ha. 😁 Kung kuripot ka kuripot din po ako pero wag nating kontrolin ang sarili na tumikim ng Japanese foods (kahit may kamahalan). Kumain ka ng steak, ramen, sushi, unagi, sashimi (kung kumakain ka ng hilaw), curry and etc. Pati wasabi tikman mo kahit alam mong maanghang😁 experience ngani habang nanjan kapa sa Japan. 🫶🏻

5. Magmuni muni (self time) - minsan may time talaga na gusto nating mapag isa kaya sulitin mo nang mag self time kc Japan is the best place when it comes to privacy. Punta ka sa park, magmuni muni ka don (walang mangingialam sayo don pwera nalang kung makita ka ng kasamahan mong urusai char.😁✌️)

6. Trabaho - nakakapagod ang trabaho pero kung bawing bawi naman sa sahod ay go go lang!💪 Kung may overtime, mag O.T. , kung pinapa extend ka mag extend kc sayang ang opportunity. Kumain ng masustansyang pagkain para sapat ang lakas sa bigat ng trabaho araw araw. (Note: kung merong mas magandang opportunity like magandang company na malilipatan, lumipat ka. Pero kung ok naman ang company mo ngaun, mag extend ka kung pinapaextend (it means nagustuhan nila performance mo).

minna❤️🫶🏻

25/06/2026

Utak ko ngayong papalapit na ang JLPT🤯😭😭

03/06/2026

Nakakarelate ka kung ikaw yung taong wais sa pera, nagtiyatiyaga mag abang ng SALE sa supermarket. Kung ikaw yung taong nagtitipid para makapag ipon kc meron kang pinapangarap (target) or nagtitipid kc merong pinapriority sa buhay like family, pang tuition ng kapatid mo at nagtitipid kc laging teiji (walang overtime,kulang ang sweldo) kaya kahit itlog or cup noodles ang ulam lalo na kapag petsa de peligro ay daijoubu parin.😊 YUNG MGA SALE PRODUCTS PO NG JAPAN like karne at isda 🥩🐟 ay goods pa po yan kahit e stock mo yan ng ilang linggo sa freezer ay masarap at masustansya parin po yan😊 (hindi po yan katulad sa pinas (not all the time) na kaya mura kc halos bilasa na ang karne or isda.
PERO KUNG LAGI KANG BUSY like laging may overtime at hindi mo naaabutan ang mga sale ay no choice ka, bibilhin mo kahit mahal (pero nakakapang hinayang) sa katulad kung kuripot😁. Advice ko lang: SA MGA KAPWA KO KURIPOT😁✌️ wag po sosobrahan ang pagiging kuripot ha, paminsan minsan e treat din ang sarili (kumain ka ng masasarap, gumala pag may time at bumili ng mga bago at need mong gamit like clothes, shoes & etc kc nakakapagod po ang magtrabaho sa abroad kaya wag kalimutang e treat ang sarili (deserve mo yan!!) THANK YOU JAPAN SA MGA SALE ITEMS NYO SA SUPERMARKET LALO NA KAPAG HANGAKU (50% off), NAPAKALAKING TULONG PO SA AMING NAGTITIPID SA PERA. ❤️🫶🏻🎌

Address

Manila
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kurisutin in Japan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share