13/12/2025
KAKALUTO KO LANG NG MISWA NOONG NAKARAAN A 😔
© PABRIKA NG NOODLES NG CANTON AT MISWA, NANLILIMAHID DAW SA DUMI?!
“Mano-manong minamasa ng tao, walang proper tools ang manggagawa, nakahubad, tinatapakan. Tapos bago po siya ilabas… sumasayad po ang pansit [sa lupa]. Tapos ‘pag niluto po siya, marumi pa rin po.”
Idinetalye ng isang concerned citizen na si “Ariel” ang kalagayan ng isang pabrika ng noodles ng canton at miswa sa Bustos, Bulacan.
Hindi raw uso rito ang pagsusuot ng gloves, face mask at hair net habang inihahanda ang mga canton at miswa. Hindi rin uso ang mesa, dahil ang sahig… sapat na?!
Sa pakikipag-ugnayan ng Resibo sa Food and Drug Administration (FDA), kumpirmadong walang Certificate of Product Registration ang brand ng canton at miswa na ginagawa sa pabrikang ito.
Ang buong detalye, sundan sa ‘Resibo’ ngayong Linggo, 2:45 PM sa GMA-7!