04/09/2026
Populasyon ng ilang insekto sa mundo, nanganganib na maubos?
Lumabas sa dalawang dekadang pag-aaral sa Amerika na bumaba ng mahigit 20% ang dami ng mga paru-paro mula noong 2000 hanggang 2020 dulot ng polusyon, pesticide at mabilis na pagbabago ng klima o climate change. Nagkakaroon na ba ng “insect apocalypse” o pagkaubos ng mga insekto sa mundo? Alamin.
“May mga research na ginagawa siya long term. So meron silang in-establish na either plot or sampling location kung saan mino-monitor nila continuously ‘yung diversity ng insects. Doon nila nalalaman kung merong pagbabago 'yung abundance,” paliwanag ni Christine Jewel Yabut, Entomologist sa UP Diliman Institute of Biology.
“Pero normally ang kanila pong studies ay sa temperate region. Pero pagdating sa tropical, 'yung mga studies ng insect decline na merong long term na data ay wala pa as of this moment,” dagdag niya.
Hindi lahat ng mga insekto ang nagtataglay ng mga pakpak para makapagpalipat-lipat. Ang iba ay gumagapang sa mga sanga at dahon para humanap ng pagkain gamit ang kanilang malalakas at matitibay na paa, gaya ng beetle o salagubang.
Tulad ng mga paru-paro, nagkaroon din ng pagbaba ng 83 porsiyento sa populasyon ng mga beetle sa loob ng mahigit apat na dekada, batay sa pag-aaral ng Biological Conservation.