10/09/2026
ANAK, SINAKSAK NG SARILING AMA SA BATANGAS
Isang 35-anyos na lalaki ang nasugatan matapos siyang saksakin ng kanyang 61-anyos na ama sa Barangay Kumintang Ibaba, Batangas City, noong Miyerkules, Setyembre 9.
Ayon sa pulisya, dumating ang biktima sa bahay ng kanyang ama na umano’y nakainom at minura ito. Matapos ihagis ng anak ang isang kutsara sa kanyang ama, kumuha umano ang suspek ng kitchen knife at sinaksak ang anak sa dibdib.
Dinala mismo ng ama ang kanyang anak sa Batangas Medical Center para magamot, bago siya inaresto ng mga rumespondeng pulis.
Nasa kustodiya na ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Batangas Prosecutor’s Office.