
15/05/2025
MGA LARAWAN | Opisyal nang binuksan ang eksibisyon ng mga estudyante mula sa programang BA Philippine Arts na pinamagatang "Balik-Balik: Sari-Saring Alaala" ngayong ika-15 ng Mayo, 2025, sa Museum of a History of Ideas ng UP Manila.
Bilang bahagi ng kanilang pinal na proyekto para sa PA 164: Curatorship and Collections Management sa ilalim ni Bb. Yra Dorotheo, nag-organisa sila ng isang eksibit na nagpapakita ng kanilang mga personal na koleksyon ng kanilang kabataan.
Masisilayan sa kanilang eksibisyon, ang iilan sa mga bagay-bagay na kinalakihan ng bawat Pilipino, mula sa mga pagkain, damit, laruan, hanggang sa mga pangkaraniwang bagay na ginagamit sa araw-araw, na siyang magbibigay nostalgia sa mga bisita. Layunin ng mga mag-aaral na magsagawa ng isang pagbabalik-tanaw sa pagkabata ng mga batang 2000s at ilapit pa ang mga ganitong uri ng sining sa komunidad ng UP Manila.
Ang exhibit na ito ay bukas sa lahat hanggang Mayo 16.
Kuha ni Jeremiah Li
Sulat ni Jeremiah Li at Sherly Mae Traifalgar