
02/09/2025
ANG TINATAKPANG PROBLEMA SA MINING NI OCHOA NA BARKADA NI BBM.
'PARA NGANG NANONOOD TAYO NG ZARZUELA'
Muling nagpatutsada si Vice Pres. Sara Duterte sa administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos kaugnay ng pag-iimbestiga sa umano'y anomalya sa flood control projects.
"Siyempre hindi natin nakikita dahil lahat tayo nakatutok doon sa flood control corruption," pasaring ng bise.
"Kung seryoso lang talaga ang Presidente, tapos na ‘yan isang araw lang, matuturo niya lahat ng may kagagawan ng corruption sa budget. Pero, well, as you can see, para ngang nanonood tayo ng zarzuela," aniya.