06/09/2025
Yo what's up mga boss! Kamusta? sana ayos ka lang! Galingan mo pa!!!
Gusto ko lang ishare sa inyo tong nangyari sakin kagabi (9/6/2025) around 2-3am . Dahil hndi ako makatulog bigla akong nagutom at naisipan ko maghanap ng makakainan at hanggang sa napunta ako sa kainan ng Tropa (shout out sayo kuya Jolo solid ng ft sa inyo) malapit lang sa Bahay at habang sa kalagitnaan ng pagkain ko may dumating na balot vendor na nagtutulak ng kariton niya oo yung tipikal na nakikita nyo sa streets isang balot vendor na , akala ko para magbenta Ayun pala kakain din si kuya kasi sabi nya pauwi nadin daw sya dahil okay na ang kita para sa araw na yun, nagkatabi kami kumain, dko alam pero out of nowhere bigla ko lang tinanong si kuya kung ilang taon na sya nagbbenta ng balot at ano na yung mga napundar or nagawa sa pamilya, guess what 23 yrs , 23 mthr fvckng yrs haha ganun ka lupetttt! oo ganun sya kabangis at ka consistent sa trabaho si kuya George! at syempre sa curious ko dun ko na nalaman yung mga sumunod nyang kwento na talagang nakakainspire ,panoorin nyo yung video si Kuya George isang Ulirang AMA na merong Paninindigan,pagsusumikap at Pagmamahal na tunay sa Pamilya!
"BALOT ng Pangarap"
Sa isang mataong kalsada sa Maynila, tuwing alas-sais ng gabi, makikita si Kuya George/Lot na may tulak na balot, penoy at mani. Sa bawat sigaw niya ng โBalot! Penoy! at Mani! Mainit pa!, hindi lang kabuhayan ang kanyang dala, kundi ang pag-asa ng kanyang buong pamilya.
Si Kuya Georhge ay isang ulirang ama.Isang balot Vendor sa Loob ng 23yrs at hanggang ngayon? Yes Still in the game kasi sabi nya meron pa syang Anak na isa na Kailangan mapatapos! ang lupet mo kuya sobra kang nakakainspire!
"Sa loob ng 23 taon, gabi-gabi siyang naglalakad, Tulak tulak ang kanyang maliit na kariton ang BALOT at pangarap. Hindi alintana ang pagod, init, ulan, at gutom , basta makauwi ng may baon para sa pamilya. Ang puhunan? lakas ng loob, dasal, at pagmamahal at sipag.
Ngayon, ang dating pangarap na binubulong niya habang naglalako, isa nang katotohanan:
Ang anak niyang pinagsilbihan ng bawat balot, nagtapos sa kursong HRM sa PLM bilang Summa Cum Laude. ๐
Hindi marangya ang buhay, pero busog sa aral ng sakripisyo, pagmamahal at tagumpay.
Ito ang pruweba na kahit galing ka sa wala o kalsada, pwede kang makarating sa tuktok basta't may tiyaga, sipag, at pusong hindi sumusuko.
Para sa lahat ng magulang na tahimik na lumalaban, para sa lahat ng anak na nagsusumika.Ito ay para sa inyo. โโค๏ธ
Eto yung kwento ng Inspirasyon para sa lahat. na Kahit ano pang uri ng trabaho kapag sinamahan mo talaga ng pagmamahal at pagsusumikap meron talagang magandang resulta ! kaya ikaw ano tinatambay at isip mo dyan? Gumalaw ka hndi pa huli ang lahat hanggat malakas ang pangangatawan mo at may dahilan ka para bumangon at ayusin ang buhay mo! Galawan mo sipagaan mo lang at mahalin mo ang gnagawa mo! magbubunga din yan tuloy tuloy mo lang at sipagan!
ewan ko nalang kung walang magandang resulta yan kaya tara lets get it!! tama na drama! PALAG na Ulit sa hamon ng BUHAY!!!
PS: Pagnakita nyo si kuya George , Bumili kayo sa kanya! Sinabi nya may isa pa sya na pinapaaral kaya hanggang ngayon? Still in the game parin para sa isa pang pangarap ng Anak nya na makapagtapos ng Pag-aaral!
Pashare at comment sa baba sabihin mo nadin kung anong lugar ka para alam ko kung san na umaabot mga videos natin !
Salamat mga lodi!! lets go!!