08/09/2026
BAGONG FILE, PACQUIAO EDITION! 🇵🇭🥊
Pambansang Kamao, bagong laban — pero sa labas ng ring na 'to.
Opisyal na si Manny Pacquiao ang bagong Secretary at Lead Convenor ng NAPC. Bukas na natin 'to, File Partners:
👥 Boses ng Mahihirap — siya na ang tutulay sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo, at urban poor patungo sa gobyerno. Sila ang dapat maririnig.
🤝 Ang Konduktor — gagawin niyang magkasabay ang galaw ng DSWD, DOLE, at iba pang ahensya. Kasi ang problema kadalasan, hindi kakulangan ng programa — magulo lang ang daloy.
💡 Chief Advisor ni PBBM — siya na ang unang tatawagan pagdating sa mga plano laban sa kahirapan.
🏠 Aksyon Hanggang Barangay — hindi lang usapang Malacañang 'to. Ang Magna Carta of the Poor, dapat maramdaman hanggang sa'yo, kahit taga-LGU ka lang.
Bagong mandato, bagong file. Panoorin natin kung anong klaseng laban 'to. 👊