16/10/2025
Hi admin, pahide na lang po ako ha. Tawagin niyo na lang akong Carlo. Live-in na kami ng girlfriend ko, tawagin na lang natin siyang Jen. Mag 3 years na rin kami, at kung tatanungin mo ako kung mahal ko ba siya, oo naman. Pero grabe, may mga ugali talaga siya na minsan gusto kong mag-impake na lang at umalis.
Una kong napansin sa kanya, ugali na niyang dukutin yung wetpu nya tapos ipapaamoy sa akin .
Yung tipong habang nanonood kami ng TV, bigla nalang niyang idudutdot sa ilong mo daliri nya, talos antayin niya reaction ko tapos tatawa. Ok lang sana kung mabango eh, kaso tumatambay sa ilong, amoy anghit na amoy tae na ewan eh.
Isang gabi nun, nasa kusina kami, nagpiprepare ng hapunan. Bigla niyang sinabi “Babe, amoy mo 'to, anong amoy?”
Sabi ko habang nakalapit daliri niya sa ilong ko, “Amoy...” iniisip ko talaga eh, kasi baka may hinawakan siyang lalagyan ng bagoong isda, ng patis o baka kako may nahawakan siya na ulam o ano.
kaso sabi niya "Galing sa p*wet ko yan" Tapos tatawa lang siya nang malakas, yung halakhak na parang mamamatay na siya kakatawa.
'Di ko alam kung may sayad 'tong girlfriend ko o ano eh,
May pagka dugyot eh, ang ganda pa naman, kaya hindi mo iisipin na salaula. Hahaha
Sinasabi ko sa kanya na, “Love, huwag mo nang gawin, nakakahiya kahit tayo lang.” Pero tawa lang siya nang tawa, tapos sasabihin, “E kasi ang cute ng reaction mo eh.”
Cute ba ‘yung halos mamatay ako sa amoy?
May mga gabi rin na sobrang sweet niya, akala mo, magyayakap kami tapos peaceful na. Pero ayun, bigla niyang itatapat kamay nya sa mukha ko, “
Amoy utot. Umutot pala siya tapos kinulong niya sa kamay niya.
Tarag*s yan! Ako bahong baho, siya, tawang-tawa.
Di ko alam kung prank ba ‘to o test ng pasensya.
Hindi ko naman siya sinisiraan, ha. Mabait si Jen. Masipag, marunong magluto, maalaga. Pero ewan ko ba kung bakit ganon siya.
Minsan kasi, kapag nasa mood siya, level expert talaga.
Mabubusog ka nalang sa kabag kakapaamoy niya ng kung ano ano.
Naalala ko pa nga, isang beses nag-away kami kasi hindi ko na natiis. Kinalikot niya yata yun sa kaluob luoban ng pwet niya, ang baho kasi eh, tapos masukasuka na ako. Sabi ko, “Jen, seryoso ako, tigilan mo na ‘yung mga kalokohan mo, nakakawalang gana minsan.”
Tapos nag-silent treatment kami buong araw. Akala ko tapos na ‘yung issue…
Kinabukasan, ginising niya ako nang may breakfast in bed, tapos may note: “Sorry na, love. Pero wag ka masyadong seryoso, baka tumanda ka agad. Hehe.”
Paano mo naman siya matitiis sa ganon, diba?
Pero lately, napapaisip talaga ako. Worth it pa bang tiisin ‘yung mga ganon niyang ugali? Kasi parang kahit ilang beses ko siyang kausapin, ganon pa rin.
Ang hirap kasi, hindi siya bastang masamang ugali, nakakatawa siya, pero nakakainis din, na nakakayamot.
Parang bata, na may kulang kulang.
Kaya ayun, gusto ko lang humingi ng payo sa mga nakaka-relate. Normal lang ba ‘to sa mag-live in? Dapat ko ba siyang pagsabihan pa ulit nang mas maayos, o baka kailangan ko nang tanggapin na ganon talaga siya, salaula with a heart.
Minsan naiisip ko, baka ako ‘yung masyadong seryoso, o kaya naman masyado na siyang kumportable kaya nagagawa niya 'yun.
Kasi habang nagrereklamo ako, siya naman tumatawa lang, parang wala lang sa kanya, tapos laging sasabihin, “Hindi mo na siguro ako love?”
At ayun, natutulala na lang ako.
Oo nga naman… mahal ko nga eh.
Pero sana lang, Lord, konting break muna sa weirdness niya, please.
Ikaw ano experience mo? share mo dito.