Balitang Pinas

Balitang Pinas balitang Pinas update tungkol sa news event.

28/09/2025

PILIPINAS, MANGUNGUTANG NA NAMAN NG $800M SA WORLD BANK PARA SA ENERGY AT WATER PROJECTS

"Ayaw paawat oh!
Bat yung tinapyas na pondo ng flood control sa 2026 imbis na ipang ayuda sa AICS, Tupad at Akap na yan ay diyan nalang ilaan? Puro ka utang" — Atty Rowena Guanzon

ito ang diretsahang mensahe ng dating Comelec commissioner na si Atty Rowena Guanzon matapos ang balak ng gobyerno na umutang ng $800M sa World bank. sa halip na gamitin na lamang daw ang natapyas na pondo sa flood control projects.

😥
27/09/2025

😥

BREAKING NEWS: dating Pangulong Rodrigo Duterte,kinailangang isailalim sa mga pagsusuri sa laboratoryo matapos siyang matagpuang walang malay sa sahig ng kanyang silid.

"President Duterte was found unconscious in the floor of his room, and then subjected to laboratory tests, and the incident was not reported to his family. International Criminal Court." Ayon kay Krisette Chu.

Dismayado rin si Vice Pres. Sara Duterte hinggil sa pag-aasikaso sa kalusugang ng kaniyang ama at dating pangulo na si Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Aniya, kahit ang basic care ay hindi nabibigay sa dating pangulo at hindi nabibigyan ng tagapag-alaga sa tabi ng k**a sa loob ng 24 hours.

"The continued detention of Former President Duterte under such troubling conditions is not only unjust but inhumane. It amounts to punishment without having been convicted of any crime," ayon sa bise presidente.

Nanawagan siya sa ICC na bigyan ng aksyon ito at siguraduhing mabibigyan ng proper care ang dating pangulo at humanitarian consideration na nararapat.

27/09/2025

Senator Rodante Marcoleta nagbabala sa atorney na madi-disbar kung mapatunayang galing sa opisina niya ang notaryo sa affidavit ni Orly Guteza!

26/09/2025

Senator Rodante Marcoleta iginiit na hindi big deal ang notaryo kasunod ng sinabi ng ilang senador tulad ni Senator kiko Pangilinan na mahalaga ang notaryo sa affidavit ni Orly Guteza.

25/09/2025

Dating Driver at security aide ni Zaldy Co na si Orly Guteza ibinunyag na nagdeliver sila tatlong beses sa isang linggo ng milyon milyong pera sa bahay ni Dating Speaker Romualdez at bahay ni Zaldy Co.

24/09/2025

"Nasa madilim tayo na panahon kung saan ang malinaw na katotohanan ay binabaluktot, at ang mali ay pinaglalaban ng mga may kapangyarihan. Kaluluwa ng sangkatauhan ang nakataya. Mag-ingat sa kadiliman." —Atty Jimmy Bondoc/dating senatorial candidate

23/09/2025

Senator Robin Padilla at Senator Erwin Tulfo mainit ang sagutan sa senado!

23/09/2025

Senator Rodante Marcoleta at Senator Ping Lacson nagkasagutan sa pagdinig sa senado!

23/09/2025

Wag po ninyong babaguhin ang batas Mr.secretary — Senator Rodante Marcoleta To Boying Remulla!😳

Ano ang gusto nilang ipapanagot sa Pangulo?Siya mismo ang nagpapa-imbestiga rito. —PCO Usec Castro Ito ang tugon ni Cast...
22/09/2025

Ano ang gusto nilang ipapanagot sa Pangulo?
Siya mismo ang nagpapa-imbestiga rito. —PCO Usec Castro

Ito ang tugon ni Castro sa ulat na may mga taong nais papanagutin ang Presidente kaugnay sa usapin ng flood control mess,

"Baka kinakalimutan nila, ang Pangulo mismo ang nagpasimula ng pag-iimbestiga na ito dahil nakita niya ang dulot ng mga maanomalyang flood control projects sa nakaraang ilang buwan."sabi ni Castro

"Bakit hindi nila isipin kung ano ba ang mga nangyari noong mga nakaraang panahon? Diba? Walang pag-iimbestiga noon kahit may ghost projects,"dagdag pa niya.

22/09/2025

Former newscaster na si Jay Sonza, bumwelta kay Sen. Tito Sotto matapos nitong sabihing sa panahon ng administrasyong Duterte naganap ang malawakang korapsyon.

Source:Jay Sonza /Facebook

22/09/2025

Dating Comelec commissioner Rowena Guanzon naghayag ng paghanga kay congressman Kiko Barzaga sa paninindigan nito!

Address

Manila
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Pinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share