10/03/2025
"SANA BATA NA LANG ULIT AKO"
Sa mga panahong sabay-sabay ang mga problema,mga panahong sinusubok ka ng tadhana,madalas mapapatulala ka na lang,biglang papatak mga luha at sasabihin ng isip mo na "sana bata na lang ulit ako".π
Nakakamiss yung mga panahon na maglalaro ka lang,kakain ka lang,papasok lang sa school at kapag umiiyak ka lalapit ang nanay mo o tatay mo at tatanungin ka,kakamustahin ka,ikocomfort ka hanggang sa tumahan ka.
Ngayon,ang tanging pwede mong gawin ay pahirin ang sarili mong mga luha at magdasal dahil alam mong wala kang ibang malalapitan kundi ang sarili mo lang at paniniwalang di tayo pababayaan ng poong maykapalπ
Ngunit gayunpaman,sa kabila ng mga paghihirap at pagsubok na pinagdadaanan mas marami pa ding bagay ang dapat ipagpasalamat..Na minsan tayo'y naging bata at naranasan nating maging masaya kahit sa mga simpleng bagay lang na nagkakaron ka,at may mga magulang tayo na nag alaga,nagmahal,nag aruga at gumabay sa atin upang maging isang mabuting tao ngayon. At sa kabila ng mga hirap,may nagturo satin kung pano maging malakas at matapang para humarap at harapin ang mga pagsubok ngayon.Higit sa lahat,buhay tayo..kasama ang pamilya at kasama sila sa nagpapagaan at nagbibigay ng lakas ng loob para gumaan ang lahat..π
Haay ansarap bumalik sa pagkabata,pero alam ko at naniniwala ako na walang permanente dito sa mundo,kaya itong mga problemang ito,dadaan lang ito at dadating ang isang araw na masasabi kong " NAKAYA KO"! at ngingiti na lng akoπ
Lagi nating pakaisipin,may Diyos tayong nakikita ang mga paghihirap natin at naririnig ang mga dasal natin,basta buo ang pananampalataya,didinggin nya ang mga hinaing ng puso natinπ
Ms. Emπ