20/09/2025
Kasama kami mga Nurses at Kawani ng Hospital ang makikilahok laban sa korupsyon. Matagal na natin panawagan at tila ba binabalewala ng gobyerno. "Ibigay sa mga kawani ng Hospital ang budget at sa pagtaas ng sahod ng mga Nurses at dagdag staff". Pero binabalewala kasi napupunta ang budget sa pagnanakaw ng mga naka puwesto.
Tama na! Pagod na kami! Sawa na kami!
Bawat buwis na binabayad namin katumbas ng pagod, pawis at katoxican pero napupunta lang sa mga bulsa nyo mga sakim sa pera at halang ang kaluluwa.
Sa tuwing binabaha ang Taft avenue at Pedro Gil, nalalagay sa peligro ang kalusugan at kaligtasan ng mga kawani, g**o, at mga mag-aaral ng UP College of Nursing. Dahil sa peligrong hatid ng mga baha, ang mga apektadong tao ay napipilitang lumiban o di kayaโy gumastos sa pagbili ng gamot o sa pagpapatingin sa mga espesyalista. Ang sanaโy flood control project na tugon sa suliraning ito ay tila inanod na rin ng mga malulubhang baha ng mga nakaraang linggo, buwan, at taon. Patuloy na nagdurusa ang sambayanan dahil sa korapsyon ng bilyun-bilyong pisong flood control projects.
Lahat ng itoโy nangyayari habang nagpipiyesta sa ganansya ang mga taong sangkot sa katiwalian. Imbis na makaginhawa ng buhay, inagaw ng mga napakong proyekto ang oras, pera, at panahon na sanaโy ginugugol sa pagpapanday ng mga Nars ng Bayan.
Ang panawagan ng UP College of Nursing:
TAMA NA.
HUSTO NA.
SOBRA NA.
Labanan ang korapsyon!
Panagutin ang mga sangkot sa mga anomalya!
Ibalik ang pera sa kaban ng bayan!
Patuloy na maninindigan ang UP College of Nursing laban sa korapsyon at sa pagpapanagot ng mga may sala kaisa ng UPM Kilos Na at One Taft laban sa Korapsyon.
UPCN, para sa bayan, at kasama ng bayan!