Badi Jerd

Badi Jerd BE HAPPY!

WALA NA BANG SENIOR HIGH SCHOOL SA PASUKAN? Sa mga nagtatanong kung tuluyan nang aalisin ang Senior High School (Grade 1...
30/04/2025

WALA NA BANG SENIOR HIGH SCHOOL SA PASUKAN?
Sa mga nagtatanong kung tuluyan nang aalisin ang Senior High School (Grade 11 at 12) sa SY 2025-2026, ang sagot sa tanong na ito ay: 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜.
Sa Strengthened SHS Program, inalis na ang mga strands (HUMSS, STEM, ABM, AFA, at iba pa). DALAWA na lang ang natitira: ACADEMIC at TVL na lang ang pagpipilian.
Kaya kung ang anak mo ay nangangarap ng STEM, sabihin mo sa kanya na sa bagong curriculum ay wala nang strand, track na ang pipiliin. Sabihin mo sa kanya na huwag na siyang pumunta sa mga malalayong paaralan kung saan ang malapit ay doon na siya mag-aral dahil masasayang lang ang iyong gastos at pagod dahil pareho lang din ang ituturo doon sa ibang mga paaralan.
Sa academic naroon na pinagsama ang HUMSS, ABM at STEM. Ang sa TVL naroon na ang lahat ng mga strands sa ilalim ng TVL tulad ng Agriculture (AFA), Beauty Care, Food Processing, SMAW, at iba pa.
Sa ilalim ng bagong curriculum na ito, ang mga subjects ay pinangkat sa tatlo:
Core Subjects
Academics (Electives)
TechPro (TVL) (Electives)
Ang dating Applied at Specialized subjects ay tatawagin nang elective subjects.
Ang Strengthened SHS program ay may mga sumusunod na benepisyo:
BABAWASAN ang subjects (core subjects) mula sa 17 ay gagawin na lang 5. Ang ibig sabihin ng core subjects ay kahit ano ang iyong strand sa dati pang curriculum ng SHS na ABM, HUMSS, Beautycare at Agri ay may pare-pareho kayong subjects tulad ng EAPP, UCSP, General Mathematics. Babawasan ito dahil nagdodoble ang subjects kaya mas magiging magaan ang bata sa bagong curriculum. Ang 5 core subjects ay ang sumusunod: Effective Communication, Life Skills, General Mathematics, General Science, at Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino. Matutukan ang competency na dapat matutunan ng bata.
HAHASAAN ang mga SHS Graduates partikular sa TVL sa pamamagitan ng immersion upang maging handa sila sa demand ng industry na kanilang papasukan kung maghahanap sila ng trabaho. Dahil ang huling semester nila sa grade 12 ay gugugulin nila sa immersion o tinatawag na OJT sa college. Magiging Competitive sila.
BIBIGYAN ng CHOICES ang mga learners na tinatawag na "DOORWAY OPTIONS" upang ang mga bata ay may karapatang kumuha at pumili ng mga subjects nila na nakalinya sa kanilang kukunin na kurso sa college. Halimbawa kung ang bata ay may planong mag-engineering, lahat ng elective subjects sa ilalim ng engineering ay mga mathematics ang dapat niyang kunin. At mayroon nang freedom ang bata na pumili ng kanyang mga elective subject mula sa ibang track (Academic o TechPro) upang maiwasan na makulong siya sa kanyang kinuha na track. Halimbawa, nasa academics siya, makakakuha siya ng elective subjects sa TVL, pwede.

IMPORTANTENG PAALALA:

Ang mga papasok ng Grade 12 ngayong SY 2025–2026 ay susunod pa rin sa lumang curriculum.

Ang bagong SHS curriculum ay pilot implementation pa lang sa piling paaralan (Pilot Schools) para sa Grade 11 sa SY 2025–2026.

Buong bansa ang implementasyon sa SY 2026–2027.

Kung huminto ka sa pag-aaral at hindi pa tapos ng Grade 12, magbalik-eskwela na, dahil baka maabutan ka ng bagong programa at bumalik ka pa sa Grade 11.

26/03/2025

THIS VIDEO IS FOR AWARENESS SA MGA MAGULANG NA HUWAG NA HUWAG I-PRESSURE ANG MGA ANAK NA MAGING TOP SA KLASE. KUNG ANO ANG MAKAKAYA NG ATING MGA ANAK AY YUN NA YUN. ANG IMPORTANTE MAKAPASA SILA.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Badi Jerd posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share