13/12/2021
AirportBlitz
BI COVID-19 BOOSTER VAX
ROLL-OUT LUMARGA NA
Dec. 13-19, 2021
NITONG nakaraang Sabado, 11 Disyembre, isinagawa na ang CoVid-19 booster vaccination roll-out para sa mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na ginanap sa kanilang main building lobby.
Sa isang note with recommendation (NWR) na pinapirmahan ng kanilang resident physician na si Dra. Marites Ambray agad inaprobahan ni BI Commissioner Jaime Morente ang panukala na naglalayong bakunahan bilang booster ang lahat ng mga kawani at manggagawa ng BI na unang tumanggap ng dalawang dosis ng Sinovac vaccine.
Batay sa NWR, magmula sa priority categories na A1 to A5 ang nakatakdang tumanggap ng bakunang Sinovac (ulit) hindi gaya sa local government units (LGUs) na nasa categories A1-A3 pa lang ang binibigyan.
Mapalad ang BI dahil suportado sila ng City of Manila Health Department na binasbasan ng kasaluyang Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Sa paglabas ng artikulong ito ay hindi pa natin alam kung ano ang naging turn-out ng vaccination sa BI.
Marami kasi sa mga nabakunahan ng Sinovac, mas pinipili ang Pfizer o Moderna bilang kanilang booster shot.
Bagamat wala naman tayong nakitang pruweba na mahina ang Sinovac maging sa Delta variant, ganoon din siguro sa Omicron, na sinasabing hindi gaanong mapanganib tulad ng Delta.
Masyado lang kasing na-hype sa social media ang efficacy ng Pfizer at Moderna kaya ito ngayon ang hinahanap ng mga tao.
Kita n’yo nga sa China? Hindi ba’t Sinovac at Sinopharm ang ibinibigay ng kanilang gobyerno sa mga mamamayan?!
Hayun at kabilang ang China ngayon sa may pinakamababang antas ng CoVid infection sa mundo.
Well, salamat at naging maagap ang pamunuan ng BI na bigyan agad ng ikatlong bakuna ang kanilang mga empleyado bilang paghahanda kapag naging full blasts ang operasyon ng lahat ng mga paliparan sa bansa.
*****
2 BISOR, 7 IOs ‘BET-SA’
SA PAMAMASAHERO
‘IGINARAHE’ SA BI MAIN
TULUYAN na ngang senentensiyahan ng Bureau of Immigration - Port Operations Division (BI-POD) ang ka*o ng mga promotor sa pamamasahero sa ‘sunriser shift’ ng Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang Personnel Order (PO) na pirmado mismo ni BI Commissioner Jaime Morente, dalawang bisor at pitong immigration of-fixers ‘este’ officers ang agad inalis sa airport at pansamantalang dinala sa BI Main Office upang manahimik at harapin ang imbestigasyon sa kanila ng BI Board of Discipline (BOD).
Marami ang natuwa lalo ‘yung mga nadamay lang sa perhuwisyong ginawa ng grupo. Siguro naman daw ay matatauhan na ang mga hindoropot na mahilig magpalusot!
Ngunit may ilang hindi kontento sa ibinigay na sanction sapagkat malamya umano ang parusang natanggap sa mga nabanggit na namamasahero.
Bakit daw ‘yung mga dating grupo noon na natimbog sa mga ginawang kaaliwaswasan sa NAIA, hindi ba’t pagpunta nila sa admin ng ahensiya ay agad silang tinanggalan ng AP o augmentation pay bilang implementasyon ng ng disciplinary action?!
“E ang ‘los nuevos comancheros’ kaya bakit may AP pa rin?” tanong ng mga urot sa airport?!
Pagkatapos daw sila ‘iswak’ sa isang bagong tatag na dibisyon sa pangunahing opisina ng ahensiya sa Intramuros, ang balita natin ay pawang mga naka-work-from-home pa ang mga kumag kaya bakasyon grande sila sa panahon ng kapanganakan ni Kristo hanggang Bagong Taon?!
Wo-wow-wee, naman!
Talap buhay!
Samantala ‘yung mga naiwan nila sa airport matapos ang kanilang kabalbalan ang siya ngayong nagbabayad ng kanilang kasalanan?!
“Papaum-mamaw!” sigaw ng mga katutubo!
Kututubo? Ng alin? Ng sungay ba?!”
Ehek!
Susunod nating tatalakayin ‘yan!
Samantala, saludo tayo kina Commissioner Jaime Morente at hepe ng POD na si Atty. Caloy “Caps” Capulong dahil sa kanilang mabilisang ‘hugas kamay’ ‘este’ aksiyon sa grupo ng mga pasaway!
Let us wait and see kung hanggang bakasyon grande lang ang grupo with matching AP!
Iba na talaga ang sakalam!
*****
Silang mga newly-hired
BI IOs BATCH 22
99 PASAWAY?
MARAMI raw sa mga “oldtimers” ang nakapansin sa kakaibang attitudes ng “Batch 22” of recently hired IOs diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang binabanggit natin ay ‘yung 99 IOs na kasalukuyang nagre-render ng kanilang on-the-job training sa tatlong terminals ng nasabing airport.
Palibhasa raw at ang majority ng mga newly hired na ‘yan ay galing sa pagiging job order personnel kaya medyo naiiba raw ang ‘aura’ nila compared sa mga outsiders na nangangapa pa lang sa sinumpaang serbisyo publiko.
Mas madalas pa raw na nangunguna sa pag-break at paglayas sa kanilang counters kompara sa kanilang mga ate, kuya, lolo, at lola na tumatayong mentors nila.
Madalas din daw na nakikitang nagkukumpulan sa mga lugar na puwedeng pagtaguan sa NAIA at kundi pa sila tatawagin ay tila walang kusang bumalik sa immigration counters upang magtrabaho?!
Sonabagan!
Aba’y mga pasaway pala!
Kabago-bago pa lang may mga sungay agad!
Minsan nga raw ay may naligaw na ilan sa kanila sa BI Main Office, buong ningning na ipinamamalitang sila ay nire-recruit para maging miyembro ng ‘pastillas’?!
Wattafak!
So it’s an honor and privilege to be part of ‘pastillas’ gang, ganern?!
Dios mio garapon!
By the way, may ilang reports na nakarating sa atin na ‘pag nakatayo sa likod ng counters ang ilan sa kanila ay panay daw ang bulyaw habang nagpapapila ng mga pasahero.
Animo’y a*o ang tingin sa mga pasahero na sinisinghalan upang papilahin sa mga counter imbes na sila ay “mag-queueing” nang maayos?!
Aba’y matindi!
Tila kulang sa proper orientation ang Batch 22 IOs na ito, BI-CTR?!
Mas mainam siguro isabak muna sa training sa Philippine Immigration Academy (PIA) o ‘di kaya ay paturuan ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa POD.
Baka wala sa curriculum nila ‘yan sa elementarya at hayskul kawawa naman!
*****
BAGONG ‘PASTILLAS’ SCHEME SA BI-NAIA
TAYO man ay nagulat sa bilis at dating ng balita tungkol sa panibagong ‘pastillas scheme’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong una ay hindi tayo makapaniwala dahil sariwa pa sa alaala ng lahat kung paano ginisa ng Committee on Women, Children and Family Relations ni Senadora Risa Hontiveros ang buong ahensiya tungkol sa ‘pastillas.’
E di ba nga, sa nangyaring anomalya sa ‘sunriser shift’ ng NAIA T1, agad itong inaksiyonan ni POD chief, Atty. Capulong ang insidente at inilagak sa BI Main Office ang mga IO upang ‘madoktrinahan’ ng tamang asal at tuloy makapagnilay-nilay ng kanilang mga kasalanan.
E kumusta naman kaya ang sa BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)? Tila hanggang ngayon ay deadma lang ang pamunuan nito at parang chill na chill pa rin sa kanilang puwesto sina Sheboom Eskoba at Kevin Cosme Tangangi?!
Patigasan na lang ba ng mukha ‘este’ ng desisyon, Madam?!
Tungkol naman dito sa ibang na-implicate na sina Sor-bi, alyas Wowowin at alyas Papaum-Mamaw. panahon na siguro para ituga ninyo kung sino ang sinasabing constant ka-eyeball ninyo sa ‘Better Living’ para sa ‘special ops?!’
Si a.k.a. Hassle ‘Boombastic’ Grandita ba?!
Tsk! Tsk! Tsk!
Sa pangalan pa lang ‘sakalam’ na ang datingan nito. No wonder at balitang ala-Yolanda raw ang ‘nong-ni’ nito kaya ganyan kalakas ang loob.
Well, sana naman ay wala nang sumunod sa yapak ng mga pasaway at tanggapin na ang panahon ng ‘pastillas’ sa airport ay may ‘amag’ na at ‘di na puwedeng balik-balikan!
Agree ka ba rito Madam Blenda Kalma?!
Sayang naman ang pagiging ‘taratitat’ mo kung napalulusutan ka lang!
Ngek! Aru! Aru!