27/05/2025
"Remember: The person who fights does not lose. Losers are those who fail to try." - PBBM
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nanawagan sa mga atleta ng 2025 Palarong Pambansa na ipamalas ang husay at pagsusumikap, inspirasyon ang mga sports icons ng bansa. Binigyang-diin niya ang disiplina, pagsasanay, at tamang pagpapahalaga sa kalusugan bilang susi sa tagumpay, lalo na para sa mga hinaharap na atleta sa Olympics at Asian Games. Pinuri rin niya ang suporta ng mga magulang, g**o, at coaches, na naglaan ng oras at puhunan upang gabayan ang mga atleta sa kanilang pangarap.
Ang Palaro, na ginaganap sa Ilocos Norte sa unang pagkakataon mula 1968, ay nilahukan ng 15,000 delegado mula sa 20 athletics associations na kumakatawan sa 18 rehiyon, ang National Academy of Sports, at Philippine Overseas Schools. Matapos ang pagsabak sa Filipino ethnic sports noong Linggo, opisyal nang sisimulan ang mga kumpetisyon para sa secondary at elementary athletes.
Ang 2025 Palarong Pambansa ay ginaganap mula Mayo 24 hanggang Mayo 31, 2025, sa Ilocos Norte, na siyang host ng ika-65 edisyon ng pambansang paligsahan.