
25/07/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | ๐๐๐๐ซ๐๐๐ข๐๐ฅ๐: ๐๐๐ง๐๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง
Hindi tinta ang dumadaloy sa pluma ng mga mamamahayag, kundi katotohanan.
Sa isang panahong binabaha ng maling impormasyon at propaganda, lalong pinapahalagahan ang karapatang magpahayag nang malaya, magtanong, at magmulat ng sambayanan. Taun-taon, ginugunita ang World Press Freedom Day tuwing Mayo 3, sa Pilipinas, mayroon din araw para kilalanin ang mga tahimik ngunit mabagsik na tinig ng kabataanโang mga campus journalists. Sa bisa ng ๐๐ฆ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐๐ค๐ต ๐๐ฐ. 11440, idineklara ang ๐ช๐ฌ๐ข-25 ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ญ๐บ๐ฐ bilang ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ข๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ด ๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐๐ณ๐ฆ๐ฆ๐ฅ๐ฐ๐ฎ ๐๐ข๐บ, bilang pagkilala sa mga estudyanteng mayroong mahalagang gampanin sa pagbibigay ng katotohanan sa loob ng akademya. Sa kabila ng madalas na kakulangan sa pagkilala, sila ay nananatiling haligi ng malayang pamamahayag sa mga paaralan.
Hindi lang simpleng manunulat ang mga campus journalistsโsila ang tagapagtangol ng katotohanan sa loob ng paaralan. Ayon sa College Editors Guild of the Philippines, may mahigit dalawang daan na kaso ng campus press freedom violations mula 2023โ2024, kabilang ang censorship, harassment, at withholding funds. Sa kabila ng mga pagsubok ay bitbit pa rin nila ang tapang at layuning maging tulay ng impormasyon, pagkakaisa, at paninindigan.
Bukod pa rito, ayon sa nahayag ng isang pagsusuri ni Warren A. Del Rosario ng DepED Region 3 - San Jose City, ang campus journalism ay mahalagang instrumento para sa paghubog ng pagiging mapanuri, mulat, at aktibong kalahok sa lipunan. Ngunit sa kabila ng gantong gampanin, patuloy pa ring hindi nabibigyan ng sapat na suporta at pagkilala ang mga kabataang mamamahayag. Sa halip na maliitin o balewalain, nararapat silang kilalaning katuwang sa pagbabagoโsapagkat sa murang edad ay natuto silang manindigan para sa tama at magsalita laban sa mali. Sila ang huhubog sa mga susunod na henerasyon ng mga makatao, matapang, at makabayang tagapagbalita.
Dagdag pa rito, hindi pa rin nabubura ang katotohanang marami ang patuloy na kumukwestiyon sa halaga ng campus journalism sa kabila ng pagsisikap na kilalanin ang papel nito.
Ngunit sa likod ng mga batikos na ito, patuloy na sila ang bumubuo ng tulay na nag-uugnay sa mga estudyante at sa lipunan. Hindi lamang sila tagapag-ulat ng balita, kundi taga-bantay ng katotohanan at tinig ng karapatang pambayan.
Sa kabilang banda, ayon sa Social Weather Stations survey noong Marso 2025, mahigit anim sa sampung Pilipino ang nagsasabing nahihirapan silang matukoy kung alin ang balitang totoo o peke, na nagpapatunay sa patuloy na paglaganap ng maling impormasyon. Kayaโt gayon na lamang ang kahalagahang bitbbit na presensya ng mga studyanteng mamamahayagโhindi lamang sa loob ng paaralan, kundi sa mas malawak na komunidad.
Kaya naman, panahon na upang kilalanin sila bilang mahalagang puwersa sa pagpapanatili ng kritikal na pag-iisip at malayang pagpapahayagโhindi sa hinaharap, kundi maging sa kasalukuyan. Ito ang panahon upang tuldukan ang mentalidad na nagmamaliit sa papel ng isang mamamahayag.
Sa halip, nararapat silang kilalanin bilang mahalagang tinig ng kabataan at sandata ng mamamayan. Sila ang magpapakita ng katotohanang pilit itinatago. Sila ang alingawngaw ng tinig na naglalapit sa katarungan at karapatan. Sila ang handang magsalita sa panahong ang iba ay pinipilit na manahimik.
โ๏ธ | Isinulat ni: Alwynn Cedrick De Castro
๐ผ๏ธ | Dibuho ni: Joseph Brian Concepcion