Pilipinas Radyo

Pilipinas Radyo Anong Ganap?

Creamy, cheesy, at swak sa cravings—perfect combo para sa happy tummy! Sino ang handang mag-extra cheese today?
14/07/2025

Creamy, cheesy, at swak sa cravings—perfect combo para sa happy tummy! Sino ang handang mag-extra cheese today?



May mga taong sangkot sa parehong kaso ng extrajudicial k!lling (EJK) sa panahon ng w_r on dr_gs ni dating Pangulong Rod...
14/07/2025

May mga taong sangkot sa parehong kaso ng extrajudicial k!lling (EJK) sa panahon ng w_r on dr_gs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa kaso ng missing sabungeros, inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa press conference ngayong Lunes, Hulyo 14.

Sinabi rin ni Remulla na kailangan pa nilang mag-establish ng “clearer links” tungkol sa posibleng pagkakasangkot ng D3ath Squad sa EJK sa missing sabungeros case.

“May mga taong parehong involved sa pagp@t@y ng tao sa dr_g w_r at sa e-sabong, that’s as far as we can trace right now but we will have to establish clearer links to each other,” sabi ni Remulla.





Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa press conference ngayong Lunes, H...
14/07/2025

Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa press conference ngayong Lunes, Hulyo 14, tungkol sa kaso ng missing sabungeros kung saan mahigit 100 ang nawawala mula pa noong 2021.

“Our whole justice system is in trial with this case, believe you me. There’s more to it that meets the eye. Tsaka ‘yung mga hindi sinasabi dati lumalabas ngayon kasi it’s about time we face the demons in our system,” aniya.




Lubos ang pasasalamat ng star witness na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” sa tulong na ipinagkaloob sa kanya...
14/07/2025

Lubos ang pasasalamat ng star witness na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” sa tulong na ipinagkaloob sa kanya ng mga opisyal ng gobyerno sa kanyang paglantad upang idiin ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero.

Sa ginanap na press conference ngayong Lunes, Hulyo 14, partikular na pinasalamatan ni Patidongan sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na kanyang tinukoy na “taong ‘di kayang bayaran ni Mr. Atong Ang.”

“Alam ko na ang mga ‘dem0ny0’ tulad ni Mr. Atong Ang may mga tao d’yan na pinasusundan ako,” ani Patidongan, na kinokonsidera ni Remulla na makapasok sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.

Nagtungo si Patidongan sa tanggapan ng DOJ upang pormal na maghain ng reklamong kriminal laban kay Ang, na itinuro niyang nasa likod ng pagligp!t diumano sa mga sabungero na nahuling nandaraya sa e-sabong.





Ayon sa mga awtoridad, nasa 441 pamilya sa Bacolod City at 2,130 pamilya sa Talisay City ang napaulat na naapektuhan at ...
14/07/2025

Ayon sa mga awtoridad, nasa 441 pamilya sa Bacolod City at 2,130 pamilya sa Talisay City ang napaulat na naapektuhan at kinailangang lumikas matapos ang tuluy-tuloy na pag-ulan simula noong Biyernes, Hulyo 11.

Umabot sa halos 4ft. ang lalim ng baha sa Purok Tamburong, Mabinuligay, at Pine Tree sa Barangay Bata, gayundin sa ilang bahagi ng Barangays Banago at Mandalagan sa Bacolod City.

Samantala, nagbigay ng ayuda ang pamahalaang lungsod ng Bacolod sa mga naapektuhang pamilya, habang nagpapatuloy ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang mga barangay.

Namahagi rin sila ng mga essential supplies gaya ng food packs, bigas, kumot, kulambo, diapers, at hygiene kits sa walong evacuation centers para sa mga naapektuhan. (Photo courtesy of Bureau of Fire Protection NIR Region/FB)




JUST IN: Pormal nang naghain sa tanggapan ng National Police Commission (Napolcom) ngayong Lunes, Hulyo 14, ng reklamong...
14/07/2025

JUST IN: Pormal nang naghain sa tanggapan ng National Police Commission (Napolcom) ngayong Lunes, Hulyo 14, ng reklamong administratibo ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” laban sa ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na kanyang idinawit sa pagdukot sa 34 na sabungero sa utos diumano ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. (Photo courtesy of GMA News)






Ito ang mensahe ni Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez bilang panawagan sa sambayanang Pilipino na ipaglaban ang...
14/07/2025

Ito ang mensahe ni Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez bilang panawagan sa sambayanang Pilipino na ipaglaban ang diwa ng tagumpay ng pagpapatibay ng sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Rep. Romualdez, ang ika-siyam na anibersaryo ng 2016 Arbitral Ruling na nagpawalang-bisa sa malawak na pag-angkin ng China sa WPS ay maituturing bilang isang “victory of principle over power, of law over intimidation.”

Dagdag niya, ang tagumpay na ito “reminds us of what we can achieve when we stand as one people, bound by patriotism and a deep love for country.”

Noong Hulyo 12, 2016, inihayag ng Permanent Court of Arbitration ang pagpabor nito sa Pilipinas kaugnay ng mga maritime rights nito sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at tuluyang ibinasura ang malawakang “nine-dash line” claim ng China.







JUST IN: Pinangalanan ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” ang isang active na police colonel at retired general...
14/07/2025

JUST IN: Pinangalanan ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” ang isang active na police colonel at retired general na sangkot diumano sa missing sabungeros case.

Ayon sa whistleblower na si alyas “Totoy,” inatasan umano ng police general ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na pat@yin siya.




May mga taong sangkot sa parehong kaso ng extrajudicial k!lling (EJK) sa panahon ng w_r on dr_gs ni dating Pangulong Rod...
14/07/2025

May mga taong sangkot sa parehong kaso ng extrajudicial k!lling (EJK) sa panahon ng w_r on dr_gs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa kaso ng missing sabungeros, inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa press conference ngayong Lunes, Hulyo 14.

“I think that the D3ath Squad… the people who undertake the contractual k!llings, may intersect somehow with the dr_g w_r and with the e-sabong (missing sabungeros case),” aniya.

Sinabi rin ni Remulla na kailangan pa nilang mag-establish ng “clearer links” tungkol sa posibleng pagkakasangkot ng D3ath Squad sa EJK sa missing sabungeros case.





Teach Me to Obey Righteous King,At 3:00 PM, help me choose obedience over convenience. Let Your commandments guide my he...
14/07/2025

Teach Me to Obey Righteous King,

At 3:00 PM, help me choose obedience over convenience. Let Your commandments guide my heart.

Jesus, I trust in You. Amen.



‘MAS MAGALING KAYO SA SUPREME COURT?’Ito ang naging buwelta ni Sen. Robinhood Padilla sa mga bumabatikos sa inilabas na ...
14/07/2025

‘MAS MAGALING KAYO SA SUPREME COURT?’

Ito ang naging buwelta ni Sen. Robinhood Padilla sa mga bumabatikos sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court (SC) En Banc na inaatasan ang Kamara de Representantes at Senado na magsumite ng verified information at iba pang dokumento na kanilang sinumpaan na may kinalaman sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“Kailan lang ang mga hirit niyo puro kung ano daw ang sinasabi ng [C]onstitution pero ngayon biglang parang hindi niyo naman alam ang kapangyarihan ng [S]upreme [C]ourt na nakasaad sa [C]onstitution 😂 AMBOT SA IMO,” banat niya sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Hulyo 13.

Samantala, kinuwestiyon ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima ang resolusyon ng Korte Suprema at nagbabala na maaaring “judicial overreach” na umano ang ginagawa ng naturang korte.

“Hindi kaya sumobra ang pakikialam ng Korte Suprema sa proseso ng impeachment, na nanggaling sa House of Representatives?,” saad ni De Lima sa isang panayam sa Super Radyo dzBB nitong Linggo, Hulyo 13.











Ayon sa Philippine National Railways (PNR), sakop ng Calamba-Lucena-Calamba route ang mga istasyon sa Calamba, Pansol, M...
14/07/2025

Ayon sa Philippine National Railways (PNR), sakop ng Calamba-Lucena-Calamba route ang mga istasyon sa Calamba, Pansol, Masili, Los Baños, College, IRRI, at San Pablo sa Laguna, gayundin sa Tiaong (Lalig), Candelaria, Lutucan, Sariaya, at Lucena sa Quezon.

Ayon sa PNR, ang pamasahe para sa mga regular na pasahero ay mula ₱15 hanggang ₱105 depende sa destinasyon, habang discounted naman ang mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWD) na magbabayad lamang ng ₱12 hanggang ₱84.

Samantala, muling binuksan ang Lucena-Calamba-Lucena train line matapos ang pansamantalang pagsuspinde ng operasyon noong Hunyo 17 upang kumpunihin ang mga riles, embankment, at tulay.

Inihayag naman ng pamunuan ng PNR, kinakailangan nilang ihanda ang linya para sa paglilipat at operasyon ng mga tren na dati nang ginamit sa PNR Metro Manila line na sinara noong Marso 2024.



Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Radyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share