Pinoy Cyclist

Pinoy Cyclist A Filipino cyclist pedalling thru the Philippines and advocating for safe and responsible cycling!

Dahil maaraw na uli, balik uli sa bisikleta!Binalikan ko ang apat na prinza na dati ko nang pinuntahan sa Imus at Bacoor...
28/09/2025

Dahil maaraw na uli, balik uli sa bisikleta!

Binalikan ko ang apat na prinza na dati ko nang pinuntahan sa Imus at Bacoor: Ang Paurungan, Baluctot, Boyang, at Molino. Umikot din uli sa Vermosa bago umuwi.

May bago akong bar ends sa handlebar ng mountainbike ko mula sa West Biking. Nilipat ko yung side mirrors ng bike ko dito para hindi sila sagabal sa paghawak sa handlebars.

Aray naman 😂😂
27/09/2025

Aray naman 😂😂

Start them young...

19/09/2025

Grant Petersen, the founder of Rivendell Bicycle Works, has become famous for making beautiful bikes, using materials and components that his industry has mostly abandoned. The bike designer believes that the industry’s focus on racing—along with “competition and a pervasive addiction to technology”—has had a poisonous influence on cycling culture. Peterson advocates for pleasurable, unhurried riding—alone, or with family and friends—and is obsessive about comfort. Rivendell’s bicycles are marketed as “UNracing” bikes, designed for cross-country touring, local bike camping, and running errands. Through the years, the bikes have amassed a devoted following. Read about a bike designer trying to preserve the craft, and delight, of cycling: https://newyorkermag.visitlink.me/CA-1kA

04/09/2025
Ingat sa pagbabisikleta sa gitna ng baha, mga kapadyak! Baka ma-leptospirosis kayo.
30/08/2025

Ingat sa pagbabisikleta sa gitna ng baha, mga kapadyak! Baka ma-leptospirosis kayo.

Sweet ride!
27/08/2025

Sweet ride!

Buhay nga, wala pa rin namang barrier na magpo-protekta sa mga siklista laban sa mga pasaway at barubal na motorista. Ri...
05/07/2025

Buhay nga, wala pa rin namang barrier na magpo-protekta sa mga siklista laban sa mga pasaway at barubal na motorista.

Ride safe mga kapadyak!




03/07/2025

Saludo sa lahat ng mga nagba-bike to work! Ride safe po palagi at sa mga motoristang kasabay nila, kaunting respeto naman sana!




"Hindi naman kasi kayo kita!"Isa na namang pahayag ng mga motorista tungkol sa aming mga nagbi-bisikleta na talagang nak...
30/06/2025

"Hindi naman kasi kayo kita!"

Isa na namang pahayag ng mga motorista tungkol sa aming mga nagbi-bisikleta na talagang nakakarindi nang pakinggan.

Lahat na ng hakbang para maging visible sa lansangan ginagawa ko:

✅ ️Nagsusuot ng reflectorized vest bukod pa sa helmet
✅️ May samu't saring ilaw sa likod at harap ng bisikleta na bukas kahit maaraw
✅️ May side mirror para makita ko ang mga sasakyan sa likuran ko
✅️ Gumagamit ng hand signals to communicate with motorists
✅️ Gumigitna sa outer lane para visible sa front windshield, rear view mirror, at side mirror ng mga motorista

Pero privileged ako na makapag-invest sa ganyang klase ng visibility at proteksyon. Maraming mga siklista na payak lamang ang pamumuhay at walang sapat na salapi para makapag-invest sa ganyang mga kagamitan.

At kahit naman sangkaterbang kagamitan pa ang ilagay ko, ay talaga namang nakakasalamuha pa rin ako ng mga pasaway na motorista — kotse man, tricycle, e-trike, o motorsiklo na ginigitgit at pinipinahan ako sa lansangan.

Isa lamang ang malinaw samakatuwid — HINDI SAPAT ANG VISIBILITY! Kailangan mismong mga motorista, linawan din ang mata at i-pokus ang sarili sa pagmamaneho para hindi sila makasagasa o makapinsala ng mga siklista at pedestrians. Magkaroon ng malasakit sa mga nasa paligid mo at hindi puro pansariling kapakanan lamang ang inaatupag sa harap ng manibela! Tandaan na ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan na maaaring makapinsala ng kapwa, kaya nga ang pagkakaroon ng driver's license at rehistro ng sasakyan ay isang pribilehiyo lamang na mahigpit (dapat) na nire-regulate ng gobyerno.

Kapag iniingatan mo ang kapwa mo sa lansangan, iniiwas mo rin ang sarili mo sa pagkakamali, panganib, and pinsala!

Idagdag na rin dito ang proteksyong nakakabit sa mismong lansangan — BARRIER PROTECTED BIKE LANES! Makikita mo sa mga mauunlad na bansa na ang kanilang mga bike lane ay nakahiwalay sa normal na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng mga barrier-protected bike lanes, sa halip na simpleng guhit-pintura lamang sa kalsada. Yung iba, may mga sariling traffic lights, cat's eyes, at bollards pa! Panawagan sa MMDA at mga LGU sa na gawing MAS LIGTAS ang disenyo ng mga bike lane sa buong Pilipinas!





"Oras na talaga niya."Yan ang response ng mga netizens tungkol sa pagkamatay ni Mang Raffy — yung siklistang namatay sa ...
29/06/2025

"Oras na talaga niya."

Yan ang response ng mga netizens tungkol sa pagkamatay ni Mang Raffy — yung siklistang namatay sa Brgy. Kapitolyo, Pasig noong isang linggo — na talagang nagpapakulo ng dugo ko.

Akalain mo yun, nakatadhana pala na tumama yung siklista sa pintuan ng pickup truck na nakaparada sa bike lane sa Shaw Blvd.?? Kung gayon pala eh bakit pa natin kinasuhan yung driver ng pickup truck, pati yung driver ng SUV na nakabundol sa siklista matapos siyang tumama sa pintuan ng pickup at matumba???

Kasi this is all a PREVENTABLE DEATH!

Naiwasan sana ang pagkamatay na ito kung lahat ng mga motorista may malasakit sa kapwa tao nila sa lansangan sa halip na panay sarili lang ang inuuna. Naiwasan sana ito kung ang NCAP ay pinatutupad sa buong bansa sa halip na sa EDSA lamang. Naiwasan sana ito kung may aktibong law enforcement na nanghuhuli ng mga nakaparada sa mga bike lane sa Metro Manila. Naiwasan sana ito kung barrier protected ang mga bike lane sa Metro Manila.

Kaya nga reckless imprudence resulting in homicide ang maaaring ikaso sa mga driver ng mga sasakyang involved sa aksidente na ito eh. Kaya natin sila kinakasuhan to hold them accountable at para magsilbing aral sa mga kapwa nila motorista! Walang taong nakatadhanang mamatay sa aksidente o trahedya!

Kaya sa mga motorista, leksyon sana ito sa inyo. Wag panay sarili ang inuuna sa lansangan! Lumingon sa likuran bago magbukas ng anumang pinto sa inyong sasakyan! At huwag pumarada sa bike lane!





Sarap talagang tumambay sa tabing ilog!
29/06/2025

Sarap talagang tumambay sa tabing ilog!

Address

Kilometer Zero, Rizal Park, Roxas Boulevard
Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Cyclist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category