
19/08/2025
Isang mahalagang forum ang isinagawa ngayong Agosto 19 sa Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Davao City ang Anti-Fake News Consultative Forum na pinangunahan ng Police Regional Office 11 (PRO 11).
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa NBI, Philippine Army, at mga media organizations sa rehiyon upang talakayin ang lumalalang isyu ng fake news at cybercrime, at palakasin ang ugnayan ng bawat sektor sa pagtugon sa mga ito.
Tinalakay sa forum ang tatlong pangunahing tema: media and information literacy, ethical information sharing, at mga hamon sa cybercrime investigation mga paksang napapanahon at kritikal sa panahon ngayon kung saan ang maling impormasyon ay mabilis kumakalat sa social media.
Ano nga ba ang mga napagkasunduan? Paano ito makakaapekto sa paraan ng ating pagtanggap at pagbabahagi ng impormasyon?
Panatilihing bukas ang isipan dahil sa panahong ito, hindi sapat ang basta-basta lang maniwala.