09/03/2025
ICYMI | ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ซ ๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ, ๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐, ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐.๐. ๐๐๐๐-๐๐๐๐
Inanunsyo ng Polytechnic University of the Philippines (Official) noong Biyernes, Marso 7, na magsisimula na bukas, Marso 10, ang pagtanggap ng Online Application for Graduation para sa mga magsisipagtapos na Iskolar ng Bayan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus, kabilang ang iba pang PUP campuses, at magtatagal hanggang ika-11 ng Abril, 2025.
Batay sa inilabas na iskedyul ng unibersidad, magsisimula ang Final at Departamental Examinations simula ika-9 hanggang ika-15 ng Hunyo, habang inaasahang magtatapos ang huling semestre sa ika-29 ng Hunyo.
Samantala, isasagawa naman ang issuance ng Certificate of Candidacy (COC) simula ika-12 ng Hunyo hanggang ika-31 ng Agosto, habang nakatakdang ganapin ang Year-End Commencement Exercises 2025, sa Setyembre 16, 17, at 18.
Kaugnay rito, mahigpit na pinaaalalahanan ng unibersidad ang mga iskolar na magsumite ng lahat ng mga kakulangan o academic deficiencies bago ang ika-18 ng Hunyo, 2025.
Magtungo sa link na ito para sa buong detalye ng anunsyo:
https://web.facebook.com/ThePUPOfficial/posts/pfbid0LgDvPftCwi8x2nZ6uNHDeVcQn52gtmyGuyNWkwaKkrm37Ch2LYz6gH7WsRYJkHTzl
via | Airah Joy Alayon, The IskOUlar
Source: Polytechnic University of the Philippines (Official)