24/08/2021
"Bakit may lindol?
At ano ba ang ibig sabihin nito?
~ may isa sa mga kapatid natin na nagtanong patungkol sa lindol, at kung bakit daw sa lugar nating Pilipinas ay kung saan madalas dumarating ang mga sakuna katulad ng pag-lindol, bagyo o ano pa mang mga malagim na pangyayari?
Pero dito s lugar ng mga Arabo, partikular sa Saudi Arabia hindi sila nakakaranas ng mga ganito?
~ Kaya nagbigay po tayo ng mga kasagutan patungkol dito, ayon lamang sa naabot ng ating kakaunting kaalaman..
1 = unang-una isa lamang ito sa mga tanda ng pagkapanginoon ng dakilang Allah (Subhanahu wa Ta'ala.)
Na gusto lamang niyang ipabatid sa lahat ng mga nilalang, sa lahat ng kaniyang mga alipin na walang sinumang may kakayahan sa ganitong mga pangyayari maliban lamang sa nag-iisang diyos..
Siya ay nagsabi:
[[ قُلْ هُوَ الْقَادِرُ عَلَى أَنْ يَبْعَثَ عَلَيْكُمْ عَذَابًا مِنْ فَوْقِكُم أو من تحت أرجلكم ْ]](al-an'ãm65)
"Sabihim mo o Muhammad, sa kanila na mga " mushrikin" Ang Allah سبحانه وتعالى na kataas-taasan na siyang bukod tangi na makapangyarihan ang may kakayahan na magpadala sa inyo ng kaparusahan mula sa itaas ninyo na tulad ng pagbagsak ng mga bato, o pagbagsak ng malakas na ulan o anupamang katulad nito,
O di kaya ay mula sa ilalim ng inyong mga paanan, katulad ng lindol o paglamon ng kalupaan "
Ang lahat ng itoy walang sinumang may kakayahang iparating maliban nalang sa dakilang Tagapag likha..
Na kung saan, isa ito sa mga tanda na pinaparating Niya sa mga tao upang sila'y bigyan ng babala at matakot sila sa anomang kakayahan ng kanilang panginoon (ang dakilang Allah)..
Katutuhanan siya ay nagsabi sa banal na Qur'an..
[[وَمَا نُرْسِلُ بِالْآياتِ إِلَّا تَخْوِيفا الإسراء]]
59.(al-isra)..
"at hindi namin ipinadala ang mga (ayãt) mga tanda, mga aral,ang mga himala kundi upang balaan ang mga tao, nang sa gayon ay mapagkunan nila ito ng aral at sila ay makakaalala"
2 = pangalawa, bakit ba ito madalas nangyayari sa lugar natin?
Ang Allah ay nagpahayag sa banal na Qur'an ng kasagutan sa ganitong katanungan..
[وَمَا أَصَابَكُم مِّن مُّصِيبَةٍ فَبِمَا كَسَبَتْ أَيْدِيكُمْ وَيَعْفُو عَن كَثِيرٍ (30 ash-shura)
Sinabi ng Allah;
"At anomang nangyayari sa inyo na mga sakuna, sa inyong makamundong buhay ay dahil sa inyong nagawang mga kasalanan at kamalian, at pinapatawad sa inyo ng Allah ang sinumang manumbalik sa kanya."
~ Kaya malinaw po sa atin ang bawat mga talata na ipinahayag ng Allah sa banal na Qur'an hinggil sa ganitong mga pangyayari..
At bilang panghuli..
Sa mga ganitong pangyayari..
Isa na ito sa mga palatandaan (sign) na paglalapit na ng pag-gugunaw ng mundo ayon sa hadith ng ating Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم..
روى البخاري عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ : قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : ( لا تَقُومُ السَّاعَةُ حَتَّى يُقْبَضَ الْعِلْمُ، وَتَكْثُرَ الزَّلَازِلُ ، وَيَتَقَارَبَ الزَّمَانُ ، وَتَظْهَرَ الْفِتَنُ، وَيَكْثُرَ الْهَرْجُ ،وَهُوَ الْقَتْلُ الْقَتْلُ)
Sa hadith na naiulat ni Ima Albukhari (رحمه الله)
"Sinabi ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم؛ kabilang sa mga tanda na papalapit na ang pag-gunaw ng mundo."
~ ay kapag maaalis na ang mga kaalaman, ibig sabihin mamatay na ang karamihan sa mga taong may alam sa islam, at kapag magiging madalas na ang pagyayanig (lindol).
~ at kapag ang mga panahon ay parang napakabilis na sa pakiramdam ng mga tao,
~ at magiging lantaran na ang lahat ng tukso, ang mga kasalanang gawain,
~ at kung dadami na ang pagdanak ng dugo, ibig sabihin marami ng magpapatayan na mga tao na wala sa batas"
Wallahu Taala A'la wa a'lam..
Sana po ay makapagbigay aral ito sa atin, hanggang sa karamihan upang tayo ay tunay na manunumbalik at magiging matakutin sa dakilang tagapaglikha ang Allah (Subhanahu wa Ta'ala.
Naway gantimplalaan kayo ng Allah,at ilayo tayo sa anumang maaaring kapinsalaan ng ating pananampalataya....
Allahumma ãmeen...
Copy paste by: Hadjinaif