Zianne ASD-Journey

Zianne ASD-Journey Hi! I’m Mommy MJ, and this is Ate Zianne 💙 Through our journey with Autism Spectrum Disorder, we aim to spread awareness, love, and acceptance.

We also share simple activities to help children like Zianne learn, grow, and shine in their own beautiful way ALWAYS
UNIQUE
TOTALLY
INTELLIGENT
SOMETIMES
MYSTERIORS

Autism ❤️
23/09/2026

Autism ❤️

Babaeng nasa viral video ng pamamato sa Antipolo nag labas ng public apology. Ano masasabi nio sa apology nia?
23/09/2026

Babaeng nasa viral video ng pamamato sa Antipolo nag labas ng public apology. Ano masasabi nio sa apology nia?

22/09/2026
PAKIKIRAMAY PO🙏😢 sa pamilya at mga naulila ng mga estudyante sa BulacanNakikiramay ang buong Sta. Maria National High Sc...
18/09/2026

PAKIKIRAMAY PO🙏😢 sa pamilya at mga naulila ng mga estudyante sa Bulacan

Nakikiramay ang buong Sta. Maria National High School sa apat nilang mag-aaral matapos makaranas ng leptospirosis sa magkakaibang araw.

John Carl Corpuz (12-Tala),
Prince John Fernando (8-Emerald)
Andrei Mariano (12-Tala)
Mark Daniel Oquelda (10-Darwin).

Naiwan nila ang masasayang alaala, kabutihan, at mga pangarap na hindi malilimutan ng kanilang mga g**o, kaibigan, at kapwa mag-aaral.

Sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay, taos-puso ang aming pakikiramay. Nawa’y bigyan kayo ni Lord ng lakas at kapanatagan sa panahong ito.

Pumanaw na sa edad na 64 ang South Korean author at advocate na si Jeon Gyeong-cheol, mas kilala ng publiko bilang ang “...
14/09/2026

Pumanaw na sa edad na 64 ang South Korean author at advocate na si Jeon Gyeong-cheol, mas kilala ng publiko bilang ang “Peter Pan Dad,” matapos ang kanyang pakikipaglaban sa late-stage liver cancer. Inianunsyo noong Linggo ni Jeong Yu-jin, pinuno ng Developmental Disabilities Support Expert Forum, na ginanap nang pribado ang kanyang libing nang walang pormal na burol o hiwalay na memorial hall, alinsunod sa mismong kahilingan ni Jeon.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, si Jeon ang tumayong sole caregiver para sa kanyang 27-anyos na anak na si Je-won, na may severe autism at may developmental age na katumbas ng 2 hanggang 3-taong gulang. Nang matanggap ang kanyang terminal diagnosis noong Abril 2023, nilakbay ni Jeon ang buong bansa at lumapit sa halos 1,000 care facilities sa pag-asang makahanap ng ligtas na tirahan at alaga para sa kanyang anak bago siya mawala.
Matapos harapin ang paulit-ulit na pagtanggi mula sa mga pasilidad, sinimulan ni Jeon na isulat ang kanyang karanasan sa publishing platform na Brunch. Naging libro ito sa pamagat na "Annyeong, Peter Pan" noong Hunyo. Mabilis na umantig sa puso ng marami ang kanyang kwento, kaya't na-feature din ito sa mga sikat na TV programs sa Korea tulad ng MBC’s True Story Expedition at tvN’s You Quiz on the Block.
Dahil sa malawak na suporta mula sa publiko, nakakolekta ng mahigit 80 million won (~$59,000) sa pamamagitan ng mga donasyon. Ang pondong ito ang nagbigay-daan upang matagumpay na makalipat si Je-won sa isang specialized community village para sa mga indibidwal na may profound developmental disabilities.
Bago siya pumanaw, nagtatag pa si Jeon ng isang preparatory committee para sa pagpapatayo ng isang welfare foundation na tutulong sa ibang mga pamilyang pumipasa sa kaparehong pagsubok. Ayon sa mga kinatawan ng komite, ipagpapatuloy nila ang nasimulang adbokasiya ni Jeon upang pormal na maitatag ang nasabing pundasyon.

13/09/2026

It's 3:33 am and Ate Zianne id still awake. One part of the autism journey is how hard sleep can be quite nigths but not always says ones.

04/09/2026

Hindi mahalaga kung mabagal kumpara sa iba. Ang mahalaga ay natututo siya sa sarili niyang paraan at panahon. Bawat linya ay tagumpay para sa amin. 🤍🌈

PWD AWARENESS: HINDI PANANAKIT ANG SAGOT, PERO GUIDANCE AT RESPONSIBILIDAD AY MAHALAGA RIN.May isang adult PWD na umano’...
30/08/2026

PWD AWARENESS: HINDI PANANAKIT ANG SAGOT, PERO GUIDANCE AT RESPONSIBILIDAD AY MAHALAGA RIN.

May isang adult PWD na umano’y madalas pumapasok sa isang bookstore at kumukuha ng ballpen. Sa nangyaring insidente, sinuntok umano ito ng guard nang ilang beses.

Nakakalungkot at nakakagalit ang pananakit. Hindi dapat maging unang response ang violence, lalo na sa isang taong maaaring may disability at maaaring nangangailangan ng mas mahinahon at angkop na approach.

Pero gusto ko ring maging patas sa usapan.

Hindi rin natin maaaring isisi lahat sa guard.

Bilang magulang, pamilya, o caregiver ng isang PWD, may responsibility din tayo na magbigay ng guidance, supervision, at support, lalo na kapag nasa public places. Kung may behaviors na maaaring magdulot ng problema o hindi ligtas para sa kanya o sa ibang tao, mahalagang may nakatutok na adult na makakatulong at makakapag-guide sa kanya.

Hindi ito tungkol sa pagsisi sa magulang.

Ito ay tungkol sa shared responsibility.

Ang establishment at security personnel ay kailangang marunong humawak ng difficult situations nang hindi gumagamit agad ng unnecessary violence.

Ang pamilya/caregiver naman ay may mahalagang role sa pag-guide, pag-supervise, at pag-unawa sa needs at behaviors ng PWD.

At bilang community, kailangan din nating matutong maging mas understanding at inclusive.

Kung may PWD na paulit-ulit na kumukuha ng isang bagay, hindi ibig sabihin na maaari na siyang saktan. Pero hindi rin ibig sabihin na wala nang kailangang intervention o guidance.

Ang tamang response ay dapat:
UNDERSTAND. GUIDE. DE-ESCALATE. ASK FOR HELP.

Hindi HUMUSGA. MANAKIT.

At sana, sa halip na puro sisihan, matuto tayo mula sa ganitong insidente.

Dahil ang disability awareness ay hindi lang tungkol sa pagprotekta sa PWD laban sa discrimination.

Kasama rin dito ang pagtuturo sa pamilya, caregivers, establishments, security personnel, at buong community kung paano natin sila matutulungan nang ligtas, mahinahon, at may dignidad.

PWDs need protection but they also need guidance, boundaries, and appropriate support. 🤍

This is just my perspective as an autism mom.

27/08/2026

Ano kaya thought process ng mga taong kinukumpara ang anak nating may special needs sa mga typical na bata?🤔

Address

Manila
Manila
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zianne ASD-Journey posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share