05/09/2025
HIDDEN BILLIONAIRE
CHAPTER 3 - BAR
MELISSA POV
“Another shot, Mel?” tanong ni Rico, ang bartender.
“Yeah, Rico. Keep it coming,” sagot ko sabay kindat, saka ininom ang tequila na parang tubig lang.
Hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng tingin mula sa kabilang side ng bar. I knew that stare.
Clark.
“Bro, you’ve been staring at her for like, ten minutes,” asar ng kaibigan niyang kasama.
“I’m not staring,” malamig na sagot ni Clark.
“Not staring?” Tumawa ang kaibigan niya. “Then what do you call that? Man, she’s hot. Look at the way she moves. Are you seriously gonna pretend you’re not affected?”
Napangiti ako. Kinuha ko ang bagong shot, sabay tumayo mula sa bar stool. Dahan-dahan kong inilagay ang baso sa mesa nila, diretsong tumingin kay Clark.
“Enjoy your drink,” sabi ko, sabay ngiti, tapos naglakad papunta sa dancefloor.
Umalingawngaw ang malakas na tugtugin at agad akong sumayaw ng mapang akit. Alam kong nakatingin siya. Ramdam ko ang tingin niya kahit hindi ako lumilingon. Kaya lalo kong nilaro ang bawat galaw—hinaplos ko ang buhok ko pababa sa leeg, inikot ang bewang ko, saka napatingin saglit sa direksyon nila.
Lumapit ang ilang lalaki, sumasabay sa sayaw ko. Pero hindi ko sila pinansin. Hinawakan ko ang laylayan ng dress ko, bahagyang iniangat habang umiikot. Tumawa ako ng malakas, sabay tumingin ulit sa kanya—diretsong sa mga mata niya.
“Come here,” bulong ko sa hangin, alam kong alam niya kung sino ang tinatawag ko ngunit hindi sya kumilos kaya lumapit ako sa mesa nila, dala ang bagong shot.
“Mind if I sit here?” tanong ko, pero hindi na ako naghintay ng sagot. Tumabi agad ako, idinikit ang hita ko sa kanya.
Tumigil ang kaibigan niya sa pang-aasar at napanganga nang dumiretso akong tumabi kay Clark. Ramdam ko agad ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
“C’mon, Clark,” sabay sabing malandi, “Don’t look at me like that. Take a shot with me.” Inilagay ko ang isa pang baso sa harap niya, dahan-dahang itinulak palapit sa kanya.
“Mel” mababa ang boses niya, malamig pero may bigat, parang babala.
“Yes?” ngumiti ako, saka bahagyang yumuko, halos nakadikit ang balikat ko sa kanya. “Are you afraid you can’t keep up with me?”
Nakita kong kumislot ang panga niya, pero kinuha niya rin ang baso. Sabay kaming uminom.
“Damn,” singit ng kaibigan niya, nakangisi. “She’s sitting next to you, teasing you, and you’re still acting like a monk. If you don’t want her, maybe I—”
Hindi pa siya natatapos nang biglang bumaling si Clark, malamig ang tingin. “Don’t even think about it.”
Natigilan ang kaibigan niya, natawa ng pilit. “Okay, okay. Chill, bro.”
Napangiti ako lalo. “Ohhh,” bulong ko kay Clark habang dahan-dahan kong nilalaro ang rim ng baso. “So you do care.”
Hindi siya gumalaw. Pero nang bahagya kong ipatong ang k**ay ko sa hita niya, ramdam ko ang pag-igting ng panga niya.
“Mel” Malamig ang tono niya parang pinipilit pigilan ang sarili. “You have an interview tomorrow. Remember?”
Napataas ang kilay ko, ngumiti ng pilya. “Really, Clark? We’re in a bar, I’m having fun, and you’re reminding me of work?”
“It’s important,” matigas niyang sagot, diretsong nakatingin sa’kin. “Don’t get too wasted.”
I rolled my eyes, sabay inom ulit ng tequila. “God, you’re so serious.” Bahagya akong yumuko palapit, halos magdikit ang labi namin. “Maybe that’s why I like teasing you.”
Bumuntong-hininga siya at inubos ang natitirang whiskey sa baso niya, saka tumayo mula sa mesa. “I’m heading out.”
Agad kong hinawakan ang braso niya. “Wait—” ngumiti ako ng malandi, tumayo at humarap sa kanya. “One dance. Just one.”
“Mel" kita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
“Please? One dance. Then you can go home. I promise.”
Ilang segundo siyang nakatitig sa akin hanggang sa napailing siya, bumuntong-hininga, at hinawakan ang k**ay ko.
“Fine,” bulong niya. “One dance. After this, we’re leaving.”
Napangiti ako ng malaki, sabay hila sa kanya papunta sa dancefloor. Sa ilalim ng ilaw, sa gitna ng malakas na tugtugin, binitawan niya ang k**ay ko—pero agad niya ring inilagay ang dalawang palad niya sa bewang ko, mariin at mahigpit.
“Then let’s make it worth it,” bulong ko habang dumikit sa kanya, pinaduduyan ang katawan ko sa bawat galaw ng musika.
At kitang kita ko sa mga mata nya kahit hindi niya sabihin… I knew he was already burning.
Sa gitna ng dancefloor, sumayaw kami ni Clark—malapit, masyadong malapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit nakasuot pa siya ng suit. Ang mga palad niya nasa bewang ko. Umikot ako, hinayaan kong dumulas ang likod ko sa dibdib niya, sabay ikiniskis ang bewang ko sa kanya. Hindi siya kumikibo, pero ramdam kong lalong humigpit ang hawak niya sa’kin.
“Damn, bro!” biglang sigaw ng kaibigan niya mula sa gilid ng dancefloor. “So you do know how to have fun!”
Napangiti ako, sinadya kong yumuko, halos dumikit ang labi ko sa tainga ni Clark. “He’s watching us,” bulong ko. “Does that bother you?”
Humigpit lalo ang hawak niya sa bewang ko. “Ignore him.”
Pero hindi tumigil ang kaibigan niya. Tumawa ito, sabay taas ng baso. “About time, man! She’s all over you. Don’t waste it. Or do you want me to take over?”
Kumalas ako saglit para makita ang mukha ni Clark. Kita ko agad ang matalim na tingin niya.
“You hear that?” sabi ko, nakangiti ng mapang-akit. “He wants me.”
Clark leaned closer, boses mababa at matigas. “He can want all he wants. He’s not touching you.”
Kinikilig ako sa tono niya, lalo kong inilapit ang katawan ko. “Mmm… so protective. I like that.”
“Bro!” muling sigaw ng kaibigan niya, “If you’re not gonna do anything, let me have a dance too!”
Doon biglang bumitaw si Clark mula sa pagkakadikit namin. Hinarap niya ang kaibigan niya, malamig ang tingin. “One more word, and you’ll regret it.”
Kita ko kung paano natigilan ang kaibigan niya, natawa ng pilit at umiwas ng tingin. “Alright, alright. Chill, man. Just joking.”
Ngumiti ako, dumikit ulit kay Clark, hinaplos ang dibdib niya. “Wow… You really do care.”
“Don’t push me.” bulong niya, mabigat at mahigpit.
At sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, ramdam kong kahit gaano siya kaingat… I was already breaking through his walls.
“What?” tanong ko, sabay haplos sa braso niya
Pagkatapos ng sayaw, iniwan niya ako sa gitna ng dancefloor. Diretso siyang lumabas ng bar, Ngumiti ako sa sarili ko. Running away, huh?
Kinuha ko ang bag ko at mabilis na sumunod. Nakita kong papasok na siya sa kotse niya, pero bago pa niya maisara ang pinto, nagsalita ako.
“Then I’m coming with you.”
Lumingon siya sa akin, kita ang bahagyang pagkairita sa mga mata niya. “That’s not a good idea.”
“Why not?” tanong ko, nakapamewang at nakangiti. “Unless… you’re scared.”
Humigpit ang hawak niya sa manibela. Tapos, walang salita, binuksan niya ang passenger seat. “Get in.”
Agad akong ngumisi at umupo, parang ako pa ang nanalo.
Tahimik sa loob ng sasakyan, Panay sulyap ko sa kanya, pero siya—nakatingin lang sa kalsada.
“You’re always this serious?” tanong ko, nilalaro ang strap ng bag ko.
“Always,” malamig niyang sagot.
Napangiti ako. “I like ruining that.”
Hindi siya sumagot, pero nakita kong kumislot ang panga niya.
Paglapit namin sa Ortigas, bumulong ako, “My place is near. Walk me home, Clark. Gentleman ka naman, ‘di ba?”
Napatigil siya ng ilang segundo bago sumagot ng malamig, “Fine.”
Bumaba kami, sabay naglakad papasok sa building. Tahimik pa rin siya, pero ramdam ko ang init ng presensya niya sa tabi ko. Sa tuwing magtatama ang balikat namin, para bang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.
Pagdating sa pinto ng unit ko, humarap ako sa kanya.
“Thanks for walking me home,” sabi ko, bahagyang ngumiti.
“Don’t mention it,” matigas niyang sagot.
Kumapit ako sa door handle pero hindi agad pumasok.
“Next time, don’t run away so fast. I know you felt it too.”
Nanatili siyang tahimik, pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Tapos, tumalikod siya. “Good night, Mel.”
Pinanood ko siyang lumayo at napangiti.
Pagpasok ko sa apartment, bumagsak ako sa k**a, hawak ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa nakainom ako o sa pagod, o dahil sa kanya—pero isang bagay ang malinaw.
Clark Velasquez was still the man who could make me feel alive… and I wasn’t going to let him slip away this time.