02/08/2026
BALITA | PAGASA, naglabas ng heavy rainfall outlook sa Metro Manila
Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng heavy rainfall outlook para sa Metro Manila dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis at ng Hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, inaasahang makararanas ang Kamaynilaan ng malakas hanggang matinding pag-ulan mula Lunes ng gabi, Agosto 3, hanggang Miyerkules, Agosto 5.
Pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag sa posibleng pagbaha at iba pang epektong dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Samantala, opisyal na naghain ang University of the East (UE)-Manila University Student Council (USC) sa administrasyon ng Pamantasan upang pansamantalang isagawa sa synchronous online learning ang mga klase upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng inaasahang masamang panahon.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na anunsyo ang UE hinggil sa kahilingang ito o sa anumang suspensyon ng mga klase.
Basahin ang buong pahayag ng USC: https://www.facebook.com/share/p/1CUGsPHyWq/