Ligon Bros

Ligon Bros 人生で最も大切なものは常に家族です
Bros 4 Life!
(5)

Ate, Kuya, andito na kami para sa inyo at para kay King. sana tulungan at gabayan ninyo kami sa lahat ng kailangan namin...
08/09/2026

Ate, Kuya, andito na kami para sa inyo at para kay King. sana tulungan at gabayan ninyo kami sa lahat ng kailangan naming gawin para maiuwi namin kayo nang kumpleto at sabay sabay. ang hirap tanggapin na wala na kayo, at mas lalo pang masakit na nahihirapan kami kayong maiuwi at mailabas si King dahil ang dami naming kailangang asikasuhin dito sa Japan… nandito na kami, ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin at nagtutulong-tulong para sa inyo kasama ang ating pamilya, kaibigan na tinuturing kayong kapatid at napakadami pang nagmamalasakit... sana samahan at bigyan ninyo kami ng lakas sa bawat hakbang.

Lord, buong puso po kaming humihingi ng Iyong gabay at tulong. bigyan Mo po kami ng lakas, at malinaw na isip upang malampasan namin ang lahat ng pagsubok at mga kailangang ayusin. Lord, bigyan Mo kami ng instrumento upang matapos namin ang lahat. sana po ay maging maayos na at mai-uwi na namin sila nang sabay sabay.

Ate, Kuya, at King, hindi namin kayo pababayaan. maraming nagmamahal sainyo at nag aantay, gagawin namin ang lahat para makauwi kayo. mahal na mahal namin kayo…

🕊️ 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐕𝐈𝐄𝐖𝐈𝐍𝐆 🕊️
To all our relatives, friends, and loved ones here in Japan,

We would like to inform everyone that the viewing of our beloved 𝐊𝐮𝐲𝐚 𝐉𝐨𝐬𝐡 & 𝐀𝐭𝐞 𝐘𝐮𝐤𝐢 will be held at:

📍 𝐈𝐳𝐮𝐦𝐨 𝐅𝐮𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬, 𝐊𝐚𝐫𝐢𝐲𝐚 𝐕𝐈𝐏 𝐇𝐚𝐥𝐥 3-211 𝐇𝐢𝐠𝐚𝐬𝐡𝐢-𝐒𝐡𝐢𝐧𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢, 𝐊𝐚𝐫𝐢𝐲𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐀𝐢𝐜𝐡𝐢 𝐏𝐫𝐞𝐟𝐞𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞 (2𝐧𝐝 𝐟𝐥𝐨𝐨𝐫)

📅 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 9, 2026 (𝐖𝐞𝐝𝐧𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲)

🕐 3:00𝐩𝐦 - 4:00𝐩𝐦 (𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭𝐥𝐲!)

1 𝐝𝐚𝐲 𝐯𝐢𝐞𝐰𝐢𝐧𝐠

(𝑷𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕𝒍𝒚 𝒐𝒃𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒆𝒔𝒊𝒈𝒏𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒗𝒊𝒆𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒐𝒖𝒓𝒔)

dala na namin yung mga favorite toys mo king…wait lang po ha papunta na kami jan…
04/09/2026

dala na namin yung mga favorite toys mo king…
wait lang po ha papunta na kami jan…

03/09/2026

napakasakit at napakahirap… hindi namin alam kung pano simulan sabihin sayo lahat… basta andito lang kami palagi para sayo King Joshua…

malungkot po naming ibinabalita ang pagpanaw ng aming pinakamamahal na kapatid na panganay, kanyang minamahal na asawa, ...
01/09/2026

malungkot po naming ibinabalita ang pagpanaw ng aming pinakamamahal na kapatid na panganay, kanyang minamahal na asawa, at aming munting anghel na hindi nabigyan ng pagkakataong maisilang.

walang sapat na salita kung gano kasakit at pangungulila ang aming nararamdaman. ni hindi namin kaya, alam, pano, ibalita sainyo ‘to. gusto namin puro totoong kasiyahan, pagmamahalan lang ang nakikita at napapanood niyo pagdating sa aming pamilya. napakahirap tanggapin na sa isang iglap, nawala sila sa amin, napakahalagang mga tao na sobra naming mahal. napakabuting Kuya at mapagmahal na Ate. sa kabila ng mga sakit, nagpapasalamat kami sa Diyos sa buhay, pagmamahalan, at mga masasayang alaala na kanilang iniwan na habangbuhay namin dadalhin sa puso’t isipan.

sa gitna ng napakalaking pagkawala, nagpapasalamat kami sa Diyos na ang aming pamangkin na si King ay ligtas at nasa maayos ng kalagayan, nagpapagaling at hinihiling namin ang inyong dasal. siya ang pinaghuhugutan namin ng lakas, isa sa pinakamahalagang alaala ng pagmamahalan ng aming Kuya Josh at Ate Yuki. isang mini me na magpapaalala sa amin ng kanilang pagmamahal na lagi naming pinagpapasalamat.

maraming salamat po sa lahat ng nagmamahal, nakikiramay. nababasa’t nakikita po namin lahat ng post at message niyo, nakakabawas ng bigat, nakakagaan ng loob, at higit sa lahat, sa inyong patuloy na pagdarasal para sa aming pamilya. sa mga panahong tulad nito, ang inyong pagmamahal at panalangin ay malaking tulong upang kahit paano ay kayanin namin ang bawat araw.

napakahirap, bigat, sabihing “paalam” Kuya, Ate, at sa inaantay naming lahat na Baby. ramdam namin na Girl na yan. maaaring wala na kayo sa aming piling, ngunit hindi kailanman mawawala ang inyong mga alaala sa aming mga puso’t isip. ang inyong pagmamahalan ay mananatiling buhay sa amin, lalo na sa inyong anak na aming iingatan at mamahalin.

hanggang sa muli nating pagkikita. mahal na mahal namin kayo.

Kuya Josh | April 19, 1998
Ate Yuki | February 5, 1995

🕊️August 30, 2026

人生で最も大切なものは常に家族です
Bros 4 Life!

29/08/2026

Best Gift…❤️
Ang sweet talaga ng Mommy ko…😂🤣

29/08/2026

Nakahabol pa si Bunso. Antok na yarn…🤣
Happy Birthday Daddy WIL.😘❤️

Maligayang kaarawan, Erpat! 🥳
29/08/2026

Maligayang kaarawan, Erpat! 🥳

26/08/2026

Dating Jr. Hashtag. Eto na sya ngayon… 🤣😂

24/08/2026

Ang hirap pala mag artista. Ang hirap umiyak.🤪🤣

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ligon Bros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share