22/01/2026
❌ MALI/ ILEGAL kung,
Enforcer ang pumipiga ng silinyador
Lampas sa itinakdang RPM ang pag-rev
Walang ipinaliliwanag na testing procedure
📌 May mga naitalang sira ng makina dahil sa maling pag-rev.
🛑 HINDI BASTA-BASTA PUWEDENG PIGAIN ANG SILINYADOR
✅ TAMANG PARAAN NG NOISE TEST
1. Rider ang Dapat Mag-rev
✔ Hindi enforcer
✔ Para iwas engine damage
✔ May pahintulot ng rider
2. May Tamang RPM Limit
Hindi full throttle
Karaniwan 2,000–3,000 RPM (small displacement)
½ ng maximum RPM lamang
❌ Bawal ang Redline, Biglaang pagpiga (blipping)
📏 Tamang Posisyon ng Decibel Meter (Motorcycle Exhaust)
✅ Layo 0.5 meter (50 cm)
👉 Mula sa dulo ng tambutso papunta sa microphone ng decibel meter
✅ Anggulo 45 degrees
👉 Hindi diretso sa likod, kundi pahilis
✅ Taas Kapantay ng bunganga ng tambutso (hindi sa lupa, hindi rin sa taas)
⚠️ Mga Karaniwang Mali sa Pagsukat
❌ Sobrang lapit (hal. 10–20 cm)
❌ Diretso sa likod (0° angle)
❌ Sobrang rev (redline)
❌ Malapit sa pader o enclosed area
Kapag mali ang setup, mas tataas ang basa ng dB kahit legal ang tambutso.
Ito ay bahagi ng LTO Memorandum Circular No. 2020-2240 at suportado rin ng mga umiiral na batas gaya ng Land Transportation and Traffic Code (RA 4136) at Clean Air Act (RA 8749).
3. Local Government Ordinances
Bukod sa pambansang regulasyon, maraming Local Government Units (LGUs) ang may sarili ring noise/anti-loud-exhaust ordinances na mas mahigpit pa:
4. City of Manila – Ordinance No. 8772
–Bawal ang modified/malakas na tambutso na lumalabas sa 99 dB. Iba’t ibang LGUs (Polomolok, Taytay, San Pedro, Infanta, Dagupan, etc.)
May ordinansa na nagtatakda kung gaano kataas ang puwedeng dB limit at multa para sa mga lumalabag. Halimbawa sa Polomolok, bawal ang motor sa ilalim ng 299cc na higit 80 dB.
5. May mga ordinansa sa ibang lugar na mas mababa pa sa 99 dB (hal. 90 dB o iba pa depende sa munisipyo).
Saludo po tayo sa mga enforcer na nagpapatupad ng tamang batas at dumadaan sa tamang proseso at kanilang panghuhuli sa kapwa natin motorista.
📹CTTO: