Raiza Dadia

Raiza Dadia Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Raiza Dadia, Digital creator, Manila.

I’M POSTING THIS FOR AWARENESS!!!SM lost a loyal customer today😤Kidding aside, story time muna. Bumili ako ng Masking Ta...
15/06/2025

I’M POSTING THIS FOR AWARENESS!!!

SM lost a loyal customer today😤

Kidding aside, story time muna. Bumili ako ng Masking Tape at Pentel pen sa SM dahil madami ang tao sa National Bookstore at for sure mas mahaba ang pila doon.

Nagmamadali ako pero hindi ko pinalampas na pagbabayarin ako ng mas mataas sa nakalagay sa price tag. Mula P88, itinaas nila sa P92 ang presyo ng masking tape. Malaking bagay na ang P4 sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.‼️

Noong una P147 ang presyo ng nakuha kong masking tape dahil mas malaki iyon, kaya pinalitan ko ng mas maliit kahit nakapila na ko sa cashier, bumalik ako sa mga shelves para palitan.

Nung magbabayad na ko biglang sinabi ng kahera na “Wait lang po mam, ipapamark up ko lang po.”

Tinawag nya ang staff sa supplies at inabot ang item. Dun pa lang nagtaka na ako, bakit ipapa mark up? Ibig sabihin tataasan ang price. Instead na makamura ako dahil “Back-to-School” season na, mas mapapamahal pa ko. Hindi ba dapat mag sale pa sila? Pero bakit tataasan? Kasi in demand?🤨 Bakit baliktad ang Marketing nyo SM City Calamba? Nanggugulang na kayo ah!

Sinabi ng staff na hindi mo na yan maooverride. Kaya sabi sakin ng cashier, “mam okay lang po? P92 po to”Nagreklamo na ko ng mahinahon. “Eh bakit P88 ang nasa price tag?” Hindi lang daw napalitan.

Sabi ko “Sige na, nagmamadali ako eh. Pero please next time make sure na updated ang price tags nyo, bawal yan eh.”

Nag sorry ang kahera, good thing sinunod nya ang nasa price tag. Nagpaliwanag sya na sumusunod lang sila sa management.

Pinaalala ko sa kanila na bawal yan. Pwede sila maireklamo dahil nakasaad yan sa DTI Philippines. Inassure ko sya na hindi ako sa kanila galit, dahil SM management ang may kasalanan.

—————
Remember po na mayroon tayong PRICE TAG LAW. Ito ang nagpoprotekta sa ating mga consumer. Please KNOW YOUR RIGHTS! May karapatan tayong magreklamo at bumoses.

Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito dahil may nag post na din na tinaasan nila ang presyo ng isang item at inilagay na nakasale ito. Sale pero mas mahal ang presyo? Hindi man lang tinanggal ang lumang price tag, pinatungan lang. Kung di ba naman kayo bungal, tingin nyo hindi mapanuri ang mga customer?

Share ko lang kasi naghahanap buhay tayo ng tama tapos harapharapan tayong gagaguhin ng mga malalaking korporasyon. Gigil nyo ko ha!😤

Camp vibes only🏕️Emprest Nature Camp
21/04/2025

Camp vibes only🏕️

Emprest Nature Camp

Amidst all my insecurities, I never knew I’d enjoy wearing a bikini☺️🫶🏻
20/04/2025

Amidst all my insecurities, I never knew I’d enjoy wearing a bikini☺️🫶🏻

Sun’s out, sass out🤭📍Emprest Nature Camp
15/04/2025

Sun’s out, sass out🤭

📍Emprest Nature Camp

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Raiza Dadia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share