Marco: Alt•Ego

Marco: Alt•Ego Marco's: "al•ter e•go"
Raw mindset, Creative Self, Real Emotions. Balita, Opinion, Real talk, Hustle Online. Raw mindset, Creative Self, Real Emotions.

Welcome to Marco's Al•ter e•go.

"SA ESTADO NG PILIPINAS NGAYON..."Iginiit ni Sen. Bam Aquino na 'di lang baha ang dapat harapin ng Pilipinas, kundi ang ...
16/09/2025

"SA ESTADO NG PILIPINAS NGAYON..."

Iginiit ni Sen. Bam Aquino na 'di lang baha ang dapat harapin ng Pilipinas, kundi ang tumitindi umanong korapsyon.

'yan ang mensaheng ipinarating ng Senador sa kanyang page, sa gitna ng ungkatan sa mga umano'y anomalya sa flood control projects. ‎

NEWS UPDATE: Ex-Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Ericson Hernandez, ipinalilipat na sa kustodiya ng Senado ...
16/09/2025

NEWS UPDATE: Ex-Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Ericson Hernandez, ipinalilipat na sa kustodiya ng Senado mula sa Pasay City Jail. | via Mao dela Cruz, DZBB/GMA Integrated News ‎

JUST IN: Isabela Representative Bodjie Dy is set to succeed Martin Romualdez as Speaker on Wednesday, 17 September.Accor...
16/09/2025

JUST IN: Isabela Representative Bodjie Dy is set to succeed Martin Romualdez as Speaker on Wednesday, 17 September.

According to a source, Romualdez has already met with party leaders to finalize the decision.

Political parties are scheduled to hold meetings with Rep. Dy tomorrow morning ahead of the session.

Legit kaya ito?

'WALANG POPROTEKTAHAN'Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na makikipagtulungan ang Kamara sa Independent Commissio...
16/09/2025

'WALANG POPROTEKTAHAN'

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na makikipagtulungan ang Kamara sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) na inatasang mag-imbestiga sa maanomalyang flood control projects.

"We will ensure that the process is fair, fact-based, and guided by the rule of law," saad ni Romualdez.

"Walang itinatago, walang poprotektahan, at higit sa lahat— hindi lilihis sa interes ng taumbayan," dagdag pa niya.

Weh totoo kaya? ‎

Hindi raw magbibitiw si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kahit na itinalaga siyang special adviser at investigator ng...
16/09/2025

Hindi raw magbibitiw si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kahit na itinalaga siyang special adviser at investigator ng Independent Commission for Infrastructure.

Panoorin ang buong panayam sa kaniya sa link na nasa comment section.

Click for more. ‎

SEN. MARCOLETA ON ICIUmaasa si Sen. Rodante Marcoleta na makatutulong ang Independent Commission for Infrastructure (ICI...
16/09/2025

SEN. MARCOLETA ON ICI

Umaasa si Sen. Rodante Marcoleta na makatutulong ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control project.

Ngunit iginiit niya rin sa isang media conference na dapat tiyakin na independent at competent ang naturang flood panel para paniwalaan ito ng publiko.

Sa bisa ng Executive Order No. 94, itinatag ni Pres. B**gbong Marcos ang ICI para imbestigahan ang katiwalian at iregularidad sa flood control at infrastructure projects ng pamahalaan sa nakalipas na 10 taon.

Pinangalanan ni Marcos si dating Supreme Court associate justice Andy Reyes Jr. bilang ICI chairperson ngayong Lunes, September 15. ‎

'ANG BABAENG CLUELESS ANG TITLE KO'Wala raw alam si Sen. Imee Marcos sa umuugong na panibago umanong pagbabago sa lidera...
16/09/2025

'ANG BABAENG CLUELESS ANG TITLE KO'

Wala raw alam si Sen. Imee Marcos sa umuugong na panibago umanong pagbabago sa liderato sa Senado kasunod ng biglaang pagpalit ni Sen. Tito Sotto kay Sen. Chiz Escudero bilang Senate President.

"Wala naman, isang linggo pa lang eh. Nayayanig pa nga kami, eh, hanggang ngayon," saad niya.

Nauna nang tinawag na fake news nina Sen. Sotto at Sen. Ping Lacson ang napipinto umanong panibagong rigodon sa Senado. ‎

REP. MARCOS WANTS RELATIVES BANNED FROM GOVERNMENT DEALSNaghain si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ng panuk...
16/09/2025

REP. MARCOS WANTS RELATIVES BANNED FROM GOVERNMENT DEALS

Naghain si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ng panukalang batas na nagbabawal sa mga kamag-anak, hanggang fourth civil degree, na pumasok sa anumang government contract.

“By closing this loophole, we take another step toward a government that is fair, transparent, and truly for the people,” saad niya.

“We owe it to every taxpayer to safeguard every peso. This is what genuine public service demands,” dagdag pa niya. ‎

'MAG-EKSENA NA LANG TAYO NG KUNG ANU-ANO SA PLENARYO'Hindi raw nagdaramdam si Sen. Imee Marcos kahit pa mapalitan siya b...
16/09/2025

'MAG-EKSENA NA LANG TAYO NG KUNG ANU-ANO SA PLENARYO'

Hindi raw nagdaramdam si Sen. Imee Marcos kahit pa mapalitan siya bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations kasunod ng pagbabago sa liderato ng Senado.

Ayon pa sa senador, wala siyang hawak na komite sa ngayon matapos malipat sa minority bloc.

“Ganyan talaga ang buhay. Sanay ako sa oposisyon,” saad ni Sen. Marcos sa kanyang press conference ngayong Lunes, September 15. ‎

‘DI NAMAN AKO TSISMOSO’Hindi umano alam ni Sen. Rodante Marcoleta ang mga umuugong na balitang mapapalitan si Sen. Tito ...
16/09/2025

‘DI NAMAN AKO TSISMOSO’

Hindi umano alam ni Sen. Rodante Marcoleta ang mga umuugong na balitang mapapalitan si Sen. Tito Sotto III bilang Senate president.

Sinabi niya ito sa isang media conference ngayong Lunes, September 15. Hirit pa niya, hindi naman siya “tsismoso.”

Pinalitan ni Sen. Ping Lacson si Marcoleta bilang chairperson ng Senate blue ribbon committee, na nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects. Kasunod ito ng pagbabago sa lideratura ng mataas na kapulungan nang matanggal sa puwesto si Sen. Chiz Escudero.

Nauna nang pinabulaanan ni Lacson ang mga ulat na nakakuha si Sen. Alan Peter Cayetano ng sapat na boto para maagaw kay Sotto ang Senate presidency. | via Maeanne Los Baños-Oroceo ‎

Sen. Robin, pinasalamatan si Sen. Go sa kanyang dedikasyon sa usaping pangkalusugan ng bawat PilipinoNagbigay-pugay si S...
16/09/2025

Sen. Robin, pinasalamatan si Sen. Go sa kanyang dedikasyon sa usaping pangkalusugan ng bawat Pilipino

Nagbigay-pugay si Senador Robin Padilla kay Sen. B**g Go sa walang humpay na dedikasyon at malasakit nito sa usaping pangkalusugan ng bawat Pilipino.

Ilan sa ipinagpapasalamat ni Padilla sa kapwa niya senador ay ang pagkakatatag ng Super Health Centers at Malasakit Centers sa iba't ibang dako ng bansa.

"Ang nag-iisang senador na ang bisyo ang serbisyo, at ang naglapit at nagbaba ng gobyerno sa pinakamahihirap na Pilipino, Ginoong Sen. B**g Go," ani ni Sen. Padilla.

"Nakalulungkot na ganap ang kanyang pagkakaalis bilang Chairman ng Committee on Health and Demography na siyang naging pundasyon sa pagpapatayo ng maraming Super Health Centers at ng pinaka-sandigan ng naghihikahos nating kababayan, ang Malasakit Center," dagdag pa niya.

MARCOLETA SA PAGBABALIK KAY BRICE HERNANDEZ SA KUSTODIYA NG SENADOIkinatuwa ni Sen. Rodante Marcoleta ang pagbalik kay d...
16/09/2025

MARCOLETA SA PAGBABALIK KAY BRICE HERNANDEZ SA KUSTODIYA NG SENADO

Ikinatuwa ni Sen. Rodante Marcoleta ang pagbalik kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez sa kustodiya ng Senado.

Nauna nang iginiit ni Marcoleta na dapat manatili si Hernandez sa kustodiya ng Senado sa bisa ng contempt order laban sa kanya.

Pero sa huli ay nagdesisyon sina Senate President Tito Sotto at House Speaker Martin Romualdez na ilipat si Hernandez sa Pasay City Jail.

"Baka naisip nila na talagang dapat sa Senado talaga," saad ni Marcoleta. ‎

Address

Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marco: Alt•Ego posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Marco: Alt•Ego:

Share

Category