DBZN 99.6 POV Station

DBZN 99.6 POV Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DBZN 99.6 POV Station, Media/News Company, Manila.

Radio Station Overview

DBZN 99.6 broadcasting as POV Station 99.6 is a local radio station founded by BAC Students in 2021, now owned and operated by KMP Productions (Kapisanan ng Marahuyong Paghayag)

27/11/2021

Para sa naiwan ng aming byahe! Worry no more! Dahil ang Trip to New Normal ay nandiritong muli para ilibot ka!

Handog ng Kapisanan ng Marahuyong Paghayag Production. Ito ang "Trip to New Normal" sa Maynila.

Samahan niyo kaming lakbayin ang Maynila para sa natatanging episode ng "Trip to New Normal".Sa ganap na 5:50 ng hapon. ...
27/11/2021

Samahan niyo kaming lakbayin ang Maynila para sa natatanging episode ng "Trip to New Normal".

Sa ganap na 5:50 ng hapon. Inihahandog sa inyo ng Kapisanan ng Marahuyong Paghayag Productions.

25/11/2021

Tara na at ating silipin ang Maynila ngayong New Normal.

Buhat ng pandemya tayo ay nawalay sa isat-isa para lang makaiwas sa sakit na Covid-19. Lungkot at lumbay ang dala sakripisyo na nadarama.

Kaya naman ngayong New Normal sa Maynila halina at saksihan ang sigla ng Maynila sa kabila ng dagok na taglay ng pandemya.

Abangan sa darating na Nov. 27!

24/11/2021

Kakampi nyo kami sa pagpapalaganap ng mga balita,

Asahang kami'y palaging handa,

Katuwang sa paghahatid ng impormasyon sa madla

May tunay na malasakit sa kapwa,

Mga tapat at totoong balita. Ito ang istasyong maaasahan at pinagkakatiwalaan. ang nagiisang, RADYO 24/7

Halina't antabayanan ang aming pag ere !
Ganap na Alas dos ng tanghali (2:00pm) dito lamang sa aming Official page "DBZN 99.6 POV Station".



08/11/2021

Samahan kami sa nalalapit naming pag-ere.
Dahil dito, ang sandata mo ay ang boses mo!
POV Station ang radyo mo! ✊🏻🎙️

Official Jingle of DBZN 99.6 POV Station
"POV Station Ang Radyo Ko" - by KMP Production

Written by: Aldea Magno
Natasha Valenzuela
Roselyn Layoc
Mark Ivan Mendoza
Dan Andrew Macadat

Music by: Braduzz Zon Yusi

07/11/2021

"POV Station Ang Radyo Ko" - POV Station Official Jingle (MUSIC VIDEO TEASER)

MUSIC VIDEO RELEASE DATE: 11.08.2021 | 7PM

JOURNALIST SA DAVAO DEL SUR, PATAY MATAPOS BARILIN.Orlando “Don Don” Dinoy, isang community journalist na natagpuang pat...
31/10/2021

JOURNALIST SA DAVAO DEL SUR, PATAY MATAPOS BARILIN.

Orlando “Don Don” Dinoy, isang community journalist na natagpuang patay Sabado ng gabi sa loob ng kanyang tirahan sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur.

Si Dinoy na isang reporter sa Newsline.ph, ay binaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa Mother Ignacia St., Poblacion Uno, pasado alas-6 ng gabi, ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Pinuna ng Newsline.ph at SunStar Super Balita ang pamamaslang at nanawagan ng agarang aksyon mula sa mga awtoridad.

Sa ngayon ay hindi pa nahuhuli ang salarin sa pagpatay sa biktima ngunit patuloy pa rin ang pag-iimbistiga ng pulisya at pinangako na makakamit nito ang hustisya.

BASAHIN ANG BUONG DETALYE: https://news.abs-cbn.com/news/10/30/21/journalist-orlando-dinoy-shot-dead-in-davao-del-sur?fbclid=IwAR1Wt-9BvobQzIWjb3jXfV5qwmho5wSO-1DAGbKxwTsCwvsKsnpd0xyVlsI

Photo: FACEBOOK PAGE NI ORLANDO DINOY

ALAM MO BA?Alam mo ba kung saan at kelan nag umpisa ang halloween? Ang Halloween ay nagsimula  more than 2,000 years ago...
31/10/2021

ALAM MO BA?

Alam mo ba kung saan at kelan nag umpisa ang halloween? Ang Halloween ay nagsimula more than 2,000 years ago. Nagsimula ang Halloween bilang isang pre Christian Celtic festival na kung tawagin ay Samhain na ang ibig sabihin ay “summer’s end. Tuwing November 1, idinaraos ito bilang hudyat ng pagtatapos ng panahon ng tag ani, at para sa pagtawid ng kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay patungo sa kabilang mundo. Ang mga taga Ireland, United Kingdom, at Northern France naman ay naniniwalang maitataboy ang masasamang espirito sa pamamagitan ng pagsisindi ng sacrificial bonfires at pagsusuot ng mga nakakatakot na costumes.

Para sa iba pang detalye: https://www.radyotodo.ph/facts-trivia/facts-and-trivia-halloween/

Photo: Google Image

VIRAL: MAG-ASAWANG MARTA AT VALENTIN LIM, MAY HANDOG NA BAGONG GITARA PARA SA ISANG BATANG NANGANGALAKAL SA TUGUEGARAO.A...
30/10/2021

VIRAL: MAG-ASAWANG MARTA AT VALENTIN LIM, MAY HANDOG NA BAGONG GITARA PARA SA ISANG BATANG NANGANGALAKAL SA TUGUEGARAO.

Ang mga netizens ay humanga sa viral photo ng isang music store kung saan ang isang batang nangangalakal sa Tuguegarao ay nakatanggap ng bagong gitara.

Ibininahagi ni Marta na ang batang si Jan Mark ay madalas humihingi ng karton sa kanilang music store. Kasama ni Jan Mark ang kanyang pinsan at kapatid nito sa palagiang pamumulot ng karton at bote sa kanilang lugar.

Naisipan ni Jan Mark na isang araw ay humingi ng sirang gitara kina Marta. Ngunit, dahil wala ang mag-asawa na kagaya ng hinihiling ng bata, ay naisipan nilang bigyan na lang ito ng bagong gitara para na rin sa ikatututo nito na tumugtog.

Nang makita ni Marta ang sayang naidulot ng maagang pamasko niya para sa bata, ay hindi na raw siya lugi, bago man ang kagamitan na naibigay niya rito.

PARA SA BUONG DETALYE, BISITAHIN ANG:
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/trending/808990/bagong-gitara-regalo-ng-mag-asawa-sa-isang-batang-nangangalakal-sa-tuguegarao/story/

Photo courtesy: Marta and Valentin Lim

PILIPINAS, ISA PA RIN SA “DEADLIEST COUNTRY FOR JOURNALISTS”Kilala ang ating bansa sa pagpapairal ng “freedom of speech ...
30/10/2021

PILIPINAS, ISA PA RIN SA “DEADLIEST COUNTRY FOR JOURNALISTS”

Kilala ang ating bansa sa pagpapairal ng “freedom of speech and expression” para sa katapatang pantao lalo’t na kilala tayo bilang isang demokratikong bayan. Sa kabila ng kaliwat-kanang isyu at hamon na kinakaharap ng sambayanang Pilipino. Patuloy pa din tinatangkilik at pinapairal ang freedom of the press bilang kasangga sa paghatid ng katotohanan na impormasyon sa masa.

Ngunit sa nakalipas na sampung taon sa ibat-ibang bansa. Nasa ika-pitong pwesto ang Pilipinas sa tinaguriang “Deadliest Country for Journalist” sa buong muhndo, ayon sa opisyal na anunsiyo at pag-aaral ng Committee to Protect Journalist’s (CPJ) Global Impunity Index 2021.

At ayon kay undersecretary Joel Sy Egco ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na isa na tong senyales na paonti-onti na tayo nabubura sa listahan ng—Deadliest Country for Journalist.

NARITO ANG BUONG DETALYE: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/808919/philippines-keeps-7th-spot-ranking-in-deadliest-country-for-journalists-in-global-index/story/?fbclid=IwAR2jpr5ED7_uTw8gYogAqMu7pKxj-iKa4Xr3_pkKfpAIj4rdnVJsVq7y7Ts

Photo: Philstar Global

UNDAS SA GITNA NANG PANDEMYAMula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 ay pansamantalang isasara ang mga sementeryo upang maiw...
29/10/2021

UNDAS SA GITNA NANG PANDEMYA

Mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 ay pansamantalang isasara ang mga sementeryo upang maiwasan ang pagdagsa nang maraming tao sa kasagsagan ng Undas.

Kaya naman libo-libo ang humabol sa mga sementeryo bago ito isara ngayong araw.
Kabilang na rito ang Manila Memorial Park at La Loma Cementery sa Caloocan.

Mula alas-7 nang umaga hanggang alas-5 nang hapon ang schedule ng mga sementeryo ngunit pinayagang makapasok ang iba hanggang 6:30 ng gabi.

Apektado rin ang ilang gumagawa ng kandila dahil sa epekto nang pandemya sa kanilang hanapbuhay.

BASAHIN DITO:

https://news.abs-cbn.com/news/10/28/21/undas-2021-mga-sementeryo-dinumog-sa-bisperas-ng-pagsasara

Photo: ABS CBN News

Address

Manila
1000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DBZN 99.6 POV Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share