
08/10/2020
Mahalagang anunsyo po para sa bawat senior citizen sa ating lungsod at kanilang mga pamilya, mayroon na po tayong OSCAlinga Centers.
Hatid po ito ng Office of the Senior Citizens Affairs kung saan maaaring dumulong o magtanong direkta sa ating mga kawani.
Matatagpuan po ito sa mga sumusunod na lugar:
District I-Vitas Aquatic Center
District II-TESDA Old Building
District III-Paraiso ng Batang Maynila
District IV-Paraiso ng Batang Maynila
District V-Bagong Buhay Complex
District VI-Teresa Covered Court
Bukas po ito simula 8:00-4:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Paalala lang din po na BAWAL lumabas ang ating mga lolo at lola, kaya't kinatawan lamang nila ang maaaring pumunta sa ating OSCAlinga Centers.
(Pubmat by Carlo Asoro/MPIO)