04/09/2026
POWER AT TUBIG, HAMON SA TURISMO NG ORIENTAL MINDORO
Patuloy na nakaaapekto sa tourism industry ng Oriental Mindoro ang mga problema sa suplay ng kuryente at tubig, ayon sa 2026 Local Tourism Product and Market Survey na ipinresenta noong Setyembre 2 sa Oriental Mindoro Heritage Museum.
Ayon sa Provincial Tourism Office, umabot sa 684,622 turista ang bumisita sa iba’t ibang destinasyon sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Agosto 16 ngayong taon—mas mababa kumpara sa bilang ng mga bisita noong 2024 at 2025. Gayunman, inaasahang makatutulong ang ikalawang peak season mula Oktubre hanggang Disyembre upang mapalakas ang tourism performance ng lalawigan.
Samantala, kinilala rin ng ORMECO ang epekto ng power issues sa turismo, habang binigyang-diin ang pangangailangan ng suporta upang matugunan ang mga hamon ng kooperatiba. Sa gitna ng mga isyung ito, nananatiling mahalaga ang pagtutulungan ng mga stakeholder upang mapalakas ang turismo at mapanatili ang Oriental Mindoro bilang kaakit-akit na destinasyon.
Source: INQUIRER
Huwag palampasin ang mga susunod na balita at updates. Follow Mindoro Express Balita now!