01/07/2026
Ayun na nga.. Eksaktong 2 weeks ago..
Hindi ko akalaing darating din ang araw na ako mismo ang hihiga sa hospital bed.
Sa mga ganitong pagkakataon mo talaga mare-realize na hindi luho ang health insurance at life insurance—pangangailangan sila.
Imagine kung wala kang anumang insurance o emergency fund.
Isang confinement lang, isang emergency procedure lang, puwedeng maubos ang perang ilang taon mong pinag-ipunan. Mas masakit pa, baka mapilitan kang mangutang sa pamilya, kaibigan, o kung sinu-sino para lang mabayaran ang hospital bill.
At kung wala ka talagang ibang option, pipila ka nang napakahaba para humingi ng tulong sa iba’t ibang ahensya. Habang may iniinda kang sakit, kailangan mo pang isipin kung saan kukuha ng pambayad.
Ito ang realidad na ayaw nating mangyari sa sarili natin o sa mga mahal natin sa buhay.
Hindi natin kayang kontrolin kung kailan tayo magkakasakit o maaaksidente. Pero kaya nating paghandaan ang posibilidad na mangyari ito.
Kaya kung may pagkakataon kang kumuha ng health insurance, HMO, life insurance, o magsimula ng emergency fund, gawin mo habang malakas ka pa at kaya mo pang magdesisyon nang hindi nagmamadali.
Mas mabuting magbayad ng maliit na halaga habang okay ka pa, kaysa maghanap ng daan-daang libo kapag nasa ospital ka na.
Hindi ko ito sinasabi bilang financial advisor lang. Sinasabi ko ito bilang isang taong mas lalong na-realize ang halaga ng pagiging handa.
Protect your health. Protect your income. Protect your family.
Dahil isang emergency lang ang pagitan ng financial stability at financial crisis.