29/10/2025
Nakalabas na nga ng bansa 3 helicopter ni zaldy
Pangulong Marcos, determinado: "mabawi ang mga ninakaw at ibalik ito sa mga tao"
Ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matibay na determinasyon ng kanyang administrasyon na panagutin ang lahat ng sangkot sa katiwalian, lalo na ang mga nagnakaw ng bilyon-bilyong piso mula sa gobyerno at mamamayan.
Binibigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng due process at tiyak na pagkilala kung sino ang mga dapat managot. Aniya, hindi dapat makalabas sa korte ang mga akusado dahil lamang sa hindi maayos na paghawak ng ebidensya.
βKaya tiyakin natin na makukulong talaga sila at ang kanilang mga ninakaw ay ibalik sa gobyerno, ibalik sa tao,β mariing wika ng Pangulo.
Ayon sa kanya, ang administrasyon ay desidido na hindi palalampasin ang anumang kaso ng katiwalian, at sisiguraduhing mananagot ang mga nararapat.