04/08/2025
-Si Ligaya-
Isa siya sa pinakamasiyahin na ahente Ko
Ni minsan, hindi ko sya nakitang sumuko
Napakadaldal at sobrang daming baong kwento
Pasimuno sya sa ingay, kulit at Gulo
Kapag may nalulungkot sya ang unang taong dadamay sayo
Siya ang magsisilbing sandalan mo
Malakas mang-asar pero malambot ang puso
Hindi ko alam, Kung saan sya nakakakuha Ng lakas para maging positibo
Isang araw, hindi siya pumasok
Ilang katok, tok-tok
Pero walang sumasagot
Ilang tawag, pero walang sumasagot
Hanggang ngayon, labis ang pagsisisi ko
Sa dami ng iniligtas nyang tao kabilang ako
Wala man lang nakapansin
Na ang pinakamasayahing tao pala ay may bigat ding kinikimkim.
Kung sino pa ang laging nagtatanong, Kung okay ka lang ba.
Ay taong pinipilit lang maging maligaya
Siya'y patagong nagdaramdam pala
Hanggang ngayon, iniisip kita
Kung sanang napansin ko lang
Hindi sana ako nag-aaksaya ng luha
Hindi ka sana nawala
Naawa ako sayo
Kung paanong halos baliin ng lubid ang leeg mo
Ay ganoong Kadiin din nakatarak ang hinagpis sa damdamin ko
Alam Kong hanggang ngayon hindi Ka masaya
Sana pala, nakita din kita. TL's POV